Chapter 01 : Say Montenegro

1484 Words
After 2 hours na biyahe,finally narating ko rin ang isa sa mga dream destination ko ang Vellasaru,Maldives. "Yes!Finally malaya na ako!" Hindi ko napigilang hindi mapasigaw sa sobrang excitement ko.Gustong gusto ko ng maligo sa dagat,magkape habang nanonood ng sunset ,mag-enjoy at magrelax lang muna. Ako si Say Altagracia Montenegro,23 years old.Lumaki ako sa Melbourne, Australia.Anak "daw" ako ng isang bilyonaryo.Yun ang sinabi ng Lolo ko "daw" na nakilala ko lang pagkamatay ng Mama ko .Naguguluhan na nga ako sa sitwasyon ng buhay ko. Kamamatay lang ng Mama ko dahil sa isang aksidente.Nabangga kami ng truck ng araw ng graduation ko at nang magising ako,isang katotohanan ang bumulaga sa akin.Anak ako ng isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking Art gallery sa Pilipinas. Isa pang katotohanang hindi ko matanggap ay hindi ko pala totoong Nanay ang nagpalaki sa akin kundi isang surrogate mother.Best friend pala siya ng Mama ko. "Hay!Erase! Erase ang bad memories,saka ko na iisipin ang mga bagay na yun,andito ako para mag-enjoy." Pinarada ko muna ang camper van ko sa parking ng hotel.It's a five star hotel named Hotel del Mar.Bumaba ako ng van kasama ang aso kong si Bravo.Si Bravo ay isang golden retriever na binili ko six months ago.Makulit,matalino at masayahin ang aso ko at syempre higit sa lahat napakacute. Pagkapasok pa lang namin sa lobby ay nakangiti na ang lahat ng staff ng hotel sa akin. Lumapit ako sa front desk at nakangiting sumalubong sa akin ang isang staff ng resort para asikasuhin ako. "Ms.Montenegro,inform ko lang po sana kayo na pets are not allowed to play around the vicinity of the hotel.Isa pa po mayroon din kaming mga floor na designated para sa mga clients namin na kasama ang mga pet nila.It's in the 4th Floor po.Ang nakabook po kasi sa inyo ay VIP room sa 5th floor. Kaya lang halos doon po kase ngayon nakabook ang mga VIP na may mga kasamang babies and pregnant mommies,so hindi po ina-allow ng management na may pets na kasama para sa peace of mind po ng ibang turista.Concern din po namin na baka may mga allergies din kaya_ " " Ahhh,"putol ko sa marami pang sasabihin ng babae."so paano yung room ko?"nadismaya na ako sa sinasabi ng receptionist pero naiintndihan ko rin naman ang ibig nyang sabihin. " Meron naman po kaming mga available sa ibang floor.Kung gusto po ninyo pwde po.", nakangiting sabi nito sa akin. "Meron ba kayong cottage na malapit sa dagat yung pwede ko isama ang alaga ko?" "Meron po,Mam.!" Mas pinili ko na lang magbook sa cottage na malapit sa dagat.Studio type may higaan,my Cr,may tv ,may mini kitchen at mini dining area at naka-airconditioner. May mga restaurant, bar, spa, coffee shop, botique and salon din sa loob ng hotel. Nagbayad na ako at kinuha agad ang susi ng cottage. Dala ko na ang bag namin ni Bravo at nang makapasok kami sa loob ng cottage ay para bang hinihigit ako ng higaan para matulog kaya natulog muna kami ni Bravo. Gabi na ng magising ako at gutom ang unang pumasok sa isip ko.Nagshower muna ako at nagbihis ng black two piece na binili ko. Nagmake up din ako ng light lang,pink lipstick lang ang ginamit ko at nagsuot pa ako isang black floral spaghetti dress. Kakain muna ako sa labas bago ako magpakasawang magswimming sa dagat. Lumabas ako at nakita ko sa 'di kalayuan ang ibang mga turista.Ang iba ay nakaupo lang malapit sa dalampasigan at ang iba naman ay naglalakad patungo sa iba't ibang direksyon. Nakakarelax ang hangin ang humahampas sa akin.Para bang ang layo-layo ko sa syudad.Syudad ng mga problema. Nag isip pa ako sandali kung kakain na ba ako o maliligo pero mas matimbang ang tunog ng tiyan kong gutom kesa sa katawan kong kating-kati ng maligo sa dagat.Naglakad ako papunta sa Hotel para maghanap ng makakainan. Kumain ako sa isang Chinese Restaurant. Nag order ako ng seafood roll,canni salad ,isang orange juice at roasted chicken.Nagugutom ako at gusto ko sana magkanin pero diet ako. Napangiti ako ng makita ko ang waiter dala-dala ang order ko.Mabuti na lang at mabilis ang service dito sa restaurant kanina pa kase naghuhurumentado ang tiyan ko. "Here's your order Mam!",sabi ng waiter at ngiti lang ang tinugon ko sa kanya. "Thank you!Ahm waiter pwede pakikuha na rin yung bill ko." Nanonood ako ng videos sa Vtube habang kumakain.Dumating na rin agad ang bill ko kaya nag settle na agad ako ng bill kahit na kumakain pa ako. Tawa ako ng tawa sa mga video na napapanood ko. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng pangangati ng labi ko. "Shuckss!Ano 'to?",napatigil ako sa pag nguya at tinitigan ko ang seafood roll na kinakain ko.Nanlaki ang mga mata sa gulat. "Lagot na,may nuts ang seafood roll!",pagtingin ko sa plato ko ay halos maubos ko na pala ang apat na pirasong seafood roll na order ko. Nataranta ako,lagot na!Kinuha ko agad ang bag ko at hinanap ang antihistamine spray ko.Nagulo ang sistema sa utak ko at nararamdaman kong medyo gumagapang na ang kati pababa sa leeg ko. "Naku,wala dito!" Sa sobrang taranta ko ay nalaglag pa ang bag ko.Laglag lahat ng laman ng bag ko,ang wallet ko,ang cellphone ko,ang lipstick ko,ang susi ng cottage at suklay ko. "Ano ba yan!",inis kong sabi sa sarili.Ayokong makakuha pa ng atensyon sa mga tao sa paligid ko kaya tahimik ko na lang na pinulot ang mga gamit ko.Nangangati na talaga ko,sobrang init na makati.Nakaya ko pang tumayo at dahan dahang naglakad palabas ng restaurant.Nagsisimula ng mamula ang pisngi ko at nakakaramdam na ako ng unti-unting pagsakit ng ulo ko.Sapo ko ang ulo ko habang naglalakad palabas ng Hotel. Mabilis kumalat ang allergy marahil siguro ay sa dami na rin ng nakain ko.Nanghihina na ang katawan ko dahil sa init na nararamdaman ko.Ang allergy ko sa peanuts ang napakatindi muntik na rin nitong kunin minsan ang buhay ko at ayaw ko na sana itong maulit pa.Ngunit nandito na naman ako sa ganitong sitwasyon.Hindi na naman ako nag-ingat. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano bang mas malapit lakarin, kung ang van ko o ang cottage?Tumingin ako sa parking at wala namang tao para makahingi sana ako ng tulong. Kinalkula sa isip ko ang hakbang papunta sa van.Labing-apat na hakbang ang dapat kong kayanin.Nasa van ang pag-asa ko dahil nandito ko ang gamot ko. "Kaya mo yan ,Say konti na lang!",ito ang paulit ulit kong binubulong sa sarili ko.Humakbang pa ako, isa, dalawa, tatlo! "Hindi ko na kaya!",napakapit na lang ako sa kotseng nasa harap ko.Malapit na ako sa van kaya pinilit ko pang humakbang , kung hindi ako aabot sa van, baka mamamatay ako!Isa pang hakbang at isa pa ulit at isa pa. Nagdadasal ako na sana ay hindi ito ang katapusan ko! Paulit ulit sa aking paghingi ng tulong kay Lord. Nang sa wakas ay nandito na ako sa pintuan ng van. "Salamat po Lord!!"usal kong at huminga muna ako ngang malalim. Pilit kong hinanap ang susi ng van sa bag ko. "Wala!"mangingiyak ngiyak na ako at parang mauubusan na ako ng lakas dahil sobrang pagkadismaya "Anong gagawin ko!",napaupo na lamang ako sa labas ng van.Magbabakasakaling biglang may mapadaan at makapansin sa akin. Hindi na normal ang aking paghinga at nakikita ko na ang mga pamumula sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.Mainit at sobrang kati na ang nararamdaman ko sa leeg at mga braso ko. Paulit ulit akong nag-inhale at exhale at pilit kong kinakalma ang utak ko.Nag- uumpisa na rin ang panlalabo ng paningin ko at unti-unti ay dumilim na ang paligid ko. Tuluyan na nga akong bumagsak sa tabi van.Hindi ko na kayang tumayo ,katapusan ko na yata! Nang biglang pakiramdam ko ay may nagbuhat sa akin. Malalakas na mga bisig at isang matipunong katawan ang may dala sa akin. Ramdam ko ang init ng mga bisig niya bagama't nahihilo ako at namumutla na ay nakakaramdam pa rin naman ako.Naglalakad kami,mabilis ang mga patakbong hakbang nito. Salamat po Lord niligtas mo po ako. Base sa naririnig ko ay nakasakay na kami sa ambulansya.Mabuti na lang at nilagyan agad ako ng oxygen ng mamang ito.Nahihilo ko pero gising at malinaw ang diwa ko.Naamoy ang pabango na gamit ng lalaki at hinding hindi ako magkakamali ito ang amoy ng pabango na hinahanap ko.Ito ang pabango na gamit ng lalaking nagligtas sa akin ng minsan pumunta ko sa Hawaii.Ito ang gabi na nagpabago sa buhay ko.Siya rin ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ko.Nagtatalo ang isip ko,hind kaya naalala ko lang siya dahil sa amoy ng pabango o sya ba talaga ito.Malabo na ang paningin ko at hindi ko na masyadong makita ang buong mukha nya.Ang boses niya ay pamilyar sa akin. Siya talaga!Siya talaga!Pero bakit siya andito???Bakit sa dinami dami ng tao siya pa ang makikita ko dito? Ito na ang huling isipin ko bago pa tuluyang mawalan ako ng malay. Muling nagbalik ang estranghero sa buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD