Gabi na pero ni anino ni Say ay wala man lang akong nakita.Naglibot na ako sa Central (Town Proper)kanina pero walang senyales. "Aahhh,ano ba ito!!"sigaw ko sa harap ng apoy.Naiinis ako sa sarili ko sana kase ay medyo naghinay hinay ako sa mga sinabi ko kagabi. Matapos kong mag ikot sa Central kanina ay wala na akong nagawa.Umuwi na lang ako at kumuha ng beer sa kwarto ko. Dito sa malayo layonh buhanginan,sa bandang dulo ng isla ay nagset up ako ng tent.Dito ko gustong maglipas ng gabi.Halos wala kasing pumupuntang turista dito kapag gabi kaya makakasolo ako.Nagset up ako ng bonfire at naglagay ako ng isang bucket na alak. Sumalampak ako sa buhanginan at nakatitig lamang sa mainit at maalab na apoy sa aking harapan.Hindi ko alam kung anong iisipin,para kong mababaliw sa isang babae!!!K

