Chapter 06 : My Cool Grandfather

1662 Words
Gabi na ng makarating kami sa Melbourne, Australia.Pagkababa ng eroplano ay sinalubong agad ako ng assistant ng Lolo ko. "Good evening Ma'am.I'm Edward Clifford, assistant po ng Lolo ninyo.Don Montenegro wants to see you at Hotel Altagracia."walang ekspresyon sa mukha nito.Para bang napakaseryoso.Sa tantya ko'y nasa 50's na ito,pero matikas pa rin ang tindig sa black suit na suot nito.Sumakay na kami ng tinted na Black Lamborghini. Si Mr.Edward ang nagdrive.Dumiretso muna kami ng Boutique de Altagracia. "Ganito ba talaga kami kayaman ,Mr.Edward.Halos ang mga establishment ay sa akin nakapangalan." "Wala pa ho ito Ma'am kung ating susumahin natin." "Ahhh..ok!" "Hello,Mam good evening!This way Mam,andito po ang mga bagong design na dumating from Mr.Achovelli." Si Mr Anchovelli ay isa sa mga famous designer not just here in Australia but all over the world. Namili ako ng damit.Hindi na ako nagsukat,masyadong magarbo ang mga damit na andirito. Para sa isang dinner,naisip ko lang.Pumili na lang ako ng isang classic black dress na tinernuhan ko ng black coat.Elegante at napakasofisticated,ang layo sa itsura ko kagabi. Nagsuot na rin ako ng pairs of Hermes Stelleto Sandals,6'inches pointed heel .Isang hermes black purse.Hindi na ako nag abalang magpaayos pa sa salon.Tutal kumpleto naman sa boutique na ito kasama na ang make up,bags,shoe apparels and jewelry collection.Namili na lamang ako ng mga kailangan ko at ako na ang nagmake up sa sarili ko.Hindi ko ugaling ipagalaw sa iba ang maganda kong mukha. Simpleng make up,blush on,red lipstick and long lash mascara. Masaya na ko doon,wala naman akong peklat na kailangan o itago.Sadyang kutis morena ako.Pinaayos ko na lamang ang buhok ko na naka tie-knot. Isa mamahaling pabango galing Paris ang winisik ko at nagsuot ako ng pair of diamond earrings at necklace. Dumiretso kami sa isang 5star Hotel. Dito daw naghihintay ang Lolo kong si Don Napeleon Montenegro. "Ma'am,andito na po tayo!" Nasa parking na kami ng basement Hotel.Marami nang bodyguard ang nandoon.Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse pati na rin si Mr.Edward. Walang ekspresyon sa mga bodyguard,lahat ay bumati sa amin ng magandang gabi. Agad akong giniya ni Mr.Edward sa entrance ng Hotel.VIP access daw umano ito. Sumakay kami ng Elevator at pinindot ng isang bodyguard ang 30th floor. Sa pinakamataas na unit ng Hotel kami papunta. Mahirap hirap takbuhin ito kung saka sakali. Pagkabukas ng elevator ay ayan na naman ang mga gwardiya.Napakarami naman nila. Iginiya ako ni Mr.Edward sa pintuan. Huminga muna ako ng napakalalim na hininga. Bumukas na ang pintuan.Isang napakagandang kwarto ba ito o bahay. Maliwanag at may mesang pang labindalawahan ang narito.Maraming pagkain,inumin,pero dalawang pinggan lamang ang nakaset up dito. Hindi ito ang ineexpect ko,wala kasing iba tao maliban sa isang matandang babae at dalawa nitong alalay na nakatayo sa gilid ng mesa.Feeling ko ay ito ang mayordoma,sa isip isip ko. Sa dulo ng mesa ay nakaupo roon ang isang matanda.Sa tantya ko ay nasa 70+ na ito.Nakaitim na america,nakasalamin. "Iha!!!",tawag nito sa akin. May kasiyahan sa tinig nito.Dahan dahan akong lumapit at nagmano sa kanya.Niyakap niya ako at tinapik tapik pa sa likuran. "Napakasaya ko at nandito kana!" Naupo ako sa upuang malapit dito. "Kamusta?Kamusta ang baka...",hindi na nya naituloy pa ang sinasabi dahil tumunog na ang tyan ko sa gutom. "Hahahahh!!,"malakas na napatawa ang matanda,napangiti na lamang din ako sa pagkapahiya. "Hay,naku ang aking apo,gutom na!!!" "Halika ka na't kumain muna tayo bago tayo magkwentuhan!!" Nakakahiya ang tiyan ko,hindi man lang nagpaawat. Kumain muna kami,hindi ko na tinanggihan at medyo nagugutom na rin ako.Kumain naman ako kanina sa eroplano,pero juice at sandwich lang ang hiningi kaya naman gutom na ako. Nabusog ako,ang daming pagkain...nawala ang diet ko. "Halika ,iha at duon tayo sa veranda ng Hotel!" Tumango ako at naglakad kami patungo sa veranda.Napakaganda ng lugar na ito.Tanaw na tanaw ang ilaw sa syudad ng Melbourne.Mahangin din at nakakakalma ang hangin na humahampas sa amin. Umupo kami sa mesa naroon at dinalahan kami ng tsaa ni Ms.Adelle. Siya ang mayordoma,tama ako.Pinakilala kase ito ni Lolo kanina at ang mga kasama nito ay si Ms.Tanya at Ms. Roma. "Kamusta ka?,kamusta ang party sa Hawaii?",tanong agad ng matanda na agad kong kinagulat.Napaso tuloy ang dila ko ng tsaa. "hmmm!",tumango na lang ako at bahagyang ngumiti. Nagulat ako at talaga palang pinasusundan ako. "Ano ho bang plano nyo sa akin?",dineretcha ko na ng tanong ang matanda. "Ipapakasal kita sa mayamang bilyonaryo!!!" "Ho!!!",napapitlag naman ako sa sinabi nito. "Hahaha!",malakas na tawa nito."Don't worry Iha, I'm not that kind of evil Lolo.No need to worry for your future husband.I don't want to interfere on your lovelife." Nakatingin ito sa malayo. "Naranasan ko iyon kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na mararanasan ng mga anak ko o apo ang ganoong tradisyon." Humigop ito ng tsaa.Nakatingin lang ako sa matanda. "Una sa lahat bago tayo mapunta sa kasalan,ipapakilala ko muna sa iyo ang ating pamilya.",tumikhim ito at umayos ng pagkakaupo. Ako ang tatay ng Papa mo.Ang iyo Ama ay isang sikat na painter,si Alejandro Montenegro at ang iyong ina ay isang sikat na pyanista si Arabella Montes. Maagang pumanaw ang Mama mo dahil sa sakit sa puso.Ang Papa mo naman ay kamamatay lamang last year.Namatay sya sa isang aksidente.Pero hanggang ngayon ay pinaiimbestigahan ko pa rin dahil hindi ako naniniwalang aksidente ang nangyare. Ang nakalakhan mong ina ay ang best friend ng Mama mo. Sya ang Sorrogate mother mo.Nagpareserve ang Mama mo ng fertilize egg noong 25 years old pa lamang sya.At dahil sa sobrang busy sa carreer nilang parehas ay nagpasya silang kumuha ng sorrogate mother.Agad naman nag volunteer ang Mama mong si Addy Servantes kaya hindi sila nahirapan. Nang malapit ka nang ipanganak ay nakabili ng painting ang Papa mo.Binenta ito ng isang sikat na modelo." Pansamantalang tumigil ang matanda at tila ba napapaluha ito. "Sir!",lumapit agad si Edward sa kanya at binigyan sya ng panyo. "Ok lang ako!Naalala ko lang ang anak ko at ang asawa nya." Nagpatuloy pa sa pagkukuweto ang matanda. Isang araw ay may nagpuntang modelo sa opisina ng Papa mo.Nakipag usap sya pero hindi lang pala basta basta kliyente ang babaeng iyon. Ang painting na ibenta nya ay ang pamana nya sa kanyang anak.Nakaattach sa painting ang mga titulo ng ariarian na nakapangalan sa anak nya.Sinikreto ito ng babae sa kanyang asawa.Takot na takot ang babae sa asawa nito at nag alok ng tulong ang Papa mo.Tinulungan nya ang babae na isuplong sa batas ang mga maling ginagawa ng asawa nya pero hindi sila nananalo.Galit na galit ang asawa ng modelo at iyon ang naging mitsa ng lahat ng kaguluhan sa pamilya ng Papa mo. Namatay ang Mama mo dahil sa nakatanggap ito ng tawag na naaksidente daw ang Papa mo at inatake ito sa puso at agad na namatay. Dito na kami nagdesisyon na hwag ipaalam sa publiko ang tungkol sa iyo,iha.Ito ang pakiusap ng Papa mo sa aki at hanggang sa huling hininga nya ay iyo lamang ang hiling nya.Panatilihin kang hindi madadawit sa maduming mundo ng mga taong ito. "Patawarin mo kami kung hindi ka namin nabigyan ng buong pamilya!!" Napahagulgol ang matanda sa mga kinuwento nito sa akin.Ngayon ay naiintidihan ko na kung bakit iba ako sa iba. Naaalala ko pa na wala kaming bahay puro sa Hotel lang kami palipat lipat ni Mama Addy. "Pasensya ka na iha,hindi ko na napigilan!" Napaiyak na rin ako sa kwentong ito. "Bueno,iha...marami pa tayong oras na pwedeng pag usapan ang iyong mga magulang mo.Mayroon lamang ako mga proposal na sasabihin sa iyo.This will help you understand what do you really want." "Edward!",tawag nito at may inabot na envelope sa kanya. Binigay sa akin ni Lolo ang envelope. "Buksan mo iha!Pag aralan mong mabuti.Iyan ang mga properties na iniwan sayo ng Papa mo." Nalula ako sa mga properties na nakita ko,meron kaming 10 gasolihan sa ibat ibang bansa.10 building apartment dito sa Melbourne at isang art gallery sa Pilipinas. "Kahit saan mo gustuhin ay mabubuhay ka ng komportable iha.Iyan ang mga properties na naipundar ng Papa mula sa yaman na ipinamana ko sa kanila.Mas pinili na lang ng Papa mo na hindi makialam sa mga kompanya natinat ipinaubaya na lamang nya ito sa kanyang mga kapatid.Ayaw din ng Papa mong makilala ka na isa sa mga prinsesa ng Montenegro Clan dahil ayaw nyang magulo ang buhay mo. "Mahal na mahal ka ng mga magulang mo,iha.Hindi mo kailangan ng mayamang mapapangasawa para mabuhay.Mabubuhay ka sa lahat ng pinundar ng Papa mo sa iyo.Ang kailangan lang ay agalaan mo ang mga ito." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa bagay na sinasabi ng matanda. "Ayaw rin ng Papa mo na pag agawan ka ng mundo dahil isa kang mayamang babae.Gusto nya ay ikaw ang tumahak ng sarili mong landas at ikaw ang makahanap ng taong totoong mamahalin mo at mamahalin ka." Hindi ko na napigilang maiyak.Sayang naman at hindi ko nakilala pa ang aking mga magulang.Nagkamali pala ako na takasan ang buhay na ito. "Sorry rin po Lolo at nagplano pa akong takasan kayo.!,yumakap ako sa.matanda at walang paglagyan ang luha sa mga mata ko. "Tahan na iha!Wala kang kasalanan.Alam ko rin naman na nakakabigla ang mga nangyare sayo.Bukas ay babalik na ako sa Hong Kong.Doon ako namamalagi ngayon dahil may bago akong binuksang mall doon.Tawagan mo na lamang kung anong magiging desisyon mo." "Dito ka na magstay sa hotel habang nandito ka sa Australia.Sa atin ang Hotel na ito kaya huwag kang mag alala." "Salamat po Lolo." Umalis din ng gabing iyon ang matanda kasam si Mr.Edward at ang mayordoma si Ms.Adelle.Naiwan sa akin ang dalawang alalay na sina Ms.Roma at Tanya. Nag iwan din ng apat na bodyguard ang Lolo ko.,bukod pa sa mg security personnel sa Hotel. Nang gabing iyon ay nakagawa ako ng desisyon sa buhay ko.Sinabi ko kay Lolo na ang Art Gallery ang gusto kong pag tuunan ng pansin.Mag aaral ako ng Fine arts dito sa Australia.Nagtapos naman na ako ng kursong Veterinary pero gusto kong mas lumawak ang kaalaman ko sa Larangan ng Sining at sundan ang yapak ng Papa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD