Episode 2: I love You, Havana

1049 Words
Nagtaka naman ako dahil apat ang platong nakahanda samantalang tatlo lang naman kami. Magsisimula na sana kami sa aming hapunana nang may nag-doorbell sa labas ng bahay at binuksan iyon ni Keach. The man was surprised to see me, he seems to be seeing a ghost. Kahit isang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ng lalaking ito. "Havanna, do you still remember him?" Keach asked. "Hmmm ... I remember his face, but I forgot his name," I replied. "Si Shun iyan, bhest," sabat ni Chang. "Ay! Oo nga, nuh? Si Shun pala!" Shun was still shocked, and kept staring at me. "Hmp! Nakakairita naman ang kaniyang titig sa akin!" I whispered to myself. "Hey! Are you okay, dude?" Keach asked him. "Y-yeah!" paanas niyang tugon. "Come, Shun. Let's eat!" tawag ni Chang sa kaniya at lumapit naman ang dalawang lalaki. "H-hi!" kinabahang bati ni Shun sa akin "Hello!" I replied. "How are you?" tanong niya, sabay lahad sa kaniyang balad at nakikipagbiso-biso siya sa akin. "Uhm…" boses ko at nanlaki ang aking mga mata. Hindi sinasadya na nagkasabay ang aming paglingon at naglapat ang aming mga labi. Gulat ang nagiging reaction ng mag-asawa dahil parang magnit ang aming mga labi na dumikit. "Oh—My—God!" bulong ko, at nabigla rin sa pangyayari. "I'm sorry," simpleng paghingi ng dispensa ni Shun, na sinamahan pa ng nakakalukong ngiti. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay parang ginawang pritong chicken ang aking mukha. Dahil sa sobrang init and I'm sure na nagba-blushing ako. "Let's go eat!" Shun said, dahil nanatili pa akong tulala. This is the first time I have been kissed on the lips. "Ganito pala ang feelings?" pipi kong tanong sa aking isip. Hanggang sa nagsimula na kaming kumain. Magkaharap kami ni Shun at halos hindi ako makasubo, dahil panay ang sulyap niya sa akin. "My God! What happened to me?" bulong ko aking isip. "You want?" Biglang alok ni Shun sa akin at itinuro ang fried chicken. "Yes, please," tugon ko, at seryoso niyang nilagyan ang aking plato. "Thank you!"I said. "When did you arrive?" he asked na patuloy ang pagsubo niya. "Just now!" turan ko. Tumingin si Shun sa mag-asawa at pareho ang dalawa na tumatawa sa kaniya. Ang hindi alam ni Shun ay sinu-surprise siya ng mga ito. Hanggang sa natapos ang aming hapunan at nagpaalam na rin si Shun dahil may pupuntahan pa ito. "Tara sa guest room, bhest. Para makapagpahinga ka," yaya sa akin ni Chang. "Palagi bang nagpupunta si Shun the sheep dito, bhest?" tanong ko. "Anong Shun the sheep?" Napahagalpak ng tawa si Chang. "Minsan lang, bhest. Palaging busy kasi iyon," aniya sabay ayos niya sa kama. "Aaaah!"Bigla kong tili at napalingon ang aking bhest. Nakita niya akong tinatakpan ang aking bigbig. "Anong nangyari bhest?" pag-alala niyang tanong sa akin. "Ops! Sorry, bhest. Hindi pa kasi ako naka-move-on sa nanyari kanina," pagtatapat ko. She smirek. "Akala ko kung napaano ka na," aniya. "Bhest, ganito pala ang feelings kapag-first-time na mahalikan sa lips," kinikilig kong sabi. She laughed. "Oo nga pala, bhest. Virgin pa pala ang labi mo. Naku! Ang suwerte naman ni Shun." tugon niya at tumawa na naman ito. "Hmmm... ako kaya, bhest? Suwerte din ba sa kaniya?" seryoso kong tanong. "Ay! D'yan ka lugi, bhest. Kasi sa pagkakaalam ko kay Shun. Babae lang ang wala sa kaniya." "Ganoon ba, bhest? Sayang naman!" drama effect kong tugon. "Sabi ni Keach sa akin sampung beses daw nagpapalit ng babae si Shun kapag ginusto niya," turan pa ni Chang. "Huh?! Grabeng lalaki naman pala ang gago. MANIAC ang pig?" gulay kong tanong. "Umayos ka nga, bhest!" Tumawa si Chang at sinapak niya ako sa aking balikat. Dahil sa ekspresyon kong nakanganga at nakangiwi ang aking mukha na tumingin sa kaniya. "Sayang naman!" tanging nabi ko. "Sige na bhest, magpahinga ka na para kondisyon ka bukas." "Bakit? May fight ba ako bukas?" pagbibiro kong tanong. "Mag-outing tayo bukas." nakangitin sagot niya. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kuwarto at agad naman akong pumasok sa banyo para makapag-shower. Habang nakababad ako sa maaligamgam na tubig ay biglang bumalik sa aking alaala ang tagpo namin ni Shun kani-kanilang. Bigla akong napahawak sa aking labi na bahagya ko pang ipinikit ang aking mga mata. Buhay na buhay pa rin sa aking imahinasyon ang malambot niyang labi. "My Goshhh! Stop it, Havana!" awat ko sa aking sarili nang mahimasmasan ako. Nang dahil sa sobrang pagod nang aking byahe ay agad akong nakatulog. "I love you, Havana." Sabay angkin ni Shun sa aking mga labi. Tumugon ako at yumakap sa kaniya. Ipinasok ni Shun ang kaniyang dila sa aking bibig at dahil hindi ako marunong--- napasigaw si Shun at nang lumingon siya sa akin ay punong-puno ng dugo ang kaniyang bibig at sobra akong natakot. Biglang may napansin akong gumagalaw sa loob ng aking bunganga at nang kinuha ko ito---nagulat ako at walang tigil sa pagsisigaw at nanginginig ang buo kong katawan. Napabalikwas akong wala sa oras at kinapa ko ang aking mukha, basang-basa ito ng pawis. "Oh—My—God! Ang sama-sama ng aking panaginip!" I whispered. Muli akong humiga at pilit kinalimutan ang aking napapanaginipan. Nang magising ako kinabukasan ay namulatan ko ang maraming bulaklak sa aking harapan. Napabalikwas ako ng bangon sa pag-akalang nanaginip na naman ako at nakaburol na. Sinampal ko ang aking mukha para masigurong gising nga ako. "Ouch!" reaksyon ko nang makaramdam ako ng sakit sa, aking pisngi. Umayos ako sa pag-upo at pinagmasdan ang bulaklak. "Sino kaya ang nagbigay nito?" tanong ko sa aking sarili at sabay kuha sa maliit na card. "Good morning!" Laman ng car at galing ito kay Shun. "O-oh... my---" bigla akong kinilig at inamoy-amoy ko ang mga bulaklak at nakapikit pa ang aking mga mata. At feel na feel ko ang amoy ng perfume ni Shun. "Bhest, Gising kana ba?" sambit ni Chang sa labas ng pinto at kumatok ito. Dali-dali ko namang binaba ang bulaklak. "Oo, bhest. Gising na ako." At agad kung binuksan ang pinto. Pumasok ang aking bhest na nakangiti. "Binasa mo ba kung saan galing ang flowers?" tanong ni bhest. "Yeap! Hmmm... bakit kaya siya nagbigay ng flowers sa akin bhest? tanong ko at napaisip ako. "Baka type ka na niya, bhest."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD