Days had passed and our days were like a whirlwind. Nabusy si Vaughn sa pag-aasikaso ng kumpanya niya, though he's working from home, he managed to do his task as a CEO of his company. Marami nga lang siyang natatanggap na tawag sa nagdaang araw habang nandito kami sa mansyon. Sabi ko naman sa kaniya na puwede naman siyang pumasok sa opisina niya at h'wag na akong alalahanin dito. At gusto ko na rin bumalik sa opisina dahil paniguradong tatambakan na naman ako ng trabaho ni daddy sa sick leave ko. Kainis naman! Tang'na kasi talaga si Tristan, e. Hindi sana mangyayari 'to kung hindi siya umeepal. Ilang beses rin akong tinanong, kinumusta, at inintriga ni Rishy simula nang mangyari ang pangyayaring 'yon nung Lunes. Ilang beses ko ring iniwasan ang tanong niya dahil hindi ako komportable.

