TW: VIOLENCE "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko na paniguradong namamaga na sa mahigpit niyang hawak. "Tang'na, Tristan bitawan mo 'ko!" Sigaw ko pero hindi siya nagpapigil sa paghila sa akin. Lahat ng nakakasalubong namin ay walang pakundangang tumatabi, ayaw madamay sa gulong ginagawa ni Tristan ngayon. Gusto ko siyang talisurin kaso baka mapasama. Ayaw ko namang makapatay ng tao dahil sa self defense. Geez! Bigla na lang niya akong binitawan sa dulong hallway. Walang gaanong tao kaya hindi kami mapapansin. Hinawakan ko ang kanang palapulsuhan ko at ininda ang sakit na dulot ng paghawak niya doon. Tang'na talaga. Humahanap lang ako ng tiyempo na masapak kita. "Ano ba'ng problema mo na gago ka?!" Bulyaw ko sa kaniya. He just look

