But then, reminiscing those past painful memories hurt me a lot. Remembering my dark past with or without my Kuya Klyren makes me weak.
"Why do you have to l-leave me, Kuya?" Humihikbing tanong ko sa kawalan. Wala na akong magawa kahit na anong pagpipigil ko sa luha ko, bumubuhos pa rin ito ng walang tigil kahit anong pagpunas ko rito.
Suminghap ako at inayos ang sarili para pakalmahin. Nagtagal ako sa cubicle na 'yon sa pagpapakalma sa sarili. Nang lumabas ako para tingnan ang hitsura ko, namumugto ang mga mata ko at namumula ang mukha dahil sa pag-iyak.
Naghilamos ako at nagpunas ng mukha gamit ang tissue roon. Walang tao sa loob kaya walang nang-usisa sa hitsura ko. Sumisinghot singhot ako nang lumabas sa ladies restroom.
Naglakad ako sa corridor papunta sa opisina namin at nakasalubong si Rishy na agad na nag-aalala ang hitsura.
"Anong nangyari sa 'yo, dzai?! Bakit ganiyan hitsura mo? Pinagalitan ka ba? Dahil ba sa trabaho?" Sunod sunod niyang tanong at natigil nang biglang may napagtanto. "O… dahil… s**t naman, Kyleigh! Bakit ba hindi ka na lang tantanan ng mga 'yon?" Napailing iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating ako sa cubicle ko. Napapatingin ang iba sa amin at gustong mang-usisa pero hindi na ginawa at nanahimik na lang, bumalik sa ginagawa. Umiling na lang ako at umupo na sa swivel chair ko.
"Same topic, same problem, Rishy." Simpleng sinabi ko na alam kong maiintindihan na niya.
Napasapo siya sa noo niya at umupo sa gilid ng lamesa ko. Tiningnan ko siya ng nakataas ang isang kilay. Humalukipkip siya habang nakatingin sa kawalan.
"Bakit ba pinipilit ka pa rin kahit ilang beses mo nang tinanggihan? Hindi ba puwedeng bayaran yung expenses ng nautang ng pamilya niyo sa mga Herrera?" He asked while thinking so deep.
"I don't know why they are still pressuring me about me marrying that bastard. Ni ayaw ko ngang makita ang mukha ng mokong na 'yon e." Umirap ako at binuksan na ang computer ko.
Rishy scoffed, "baka naman pinagpipilitan ng mga Herrera ang ipakasal ka dahil…" he trailed off so I look at him questioningly.
"What?" I probe but he chuckled and shook his head.
Bago pa niya maituloy ang sasabihing muli, may huminto nang empleyado sa gilid ng cubicle ko. Isa sa mga receptionist sa lobby sa first floor. Bakit nandito 'to?
"Ms. Laureza, someone's finding you on the lobby, he wants you to go there and talk to him." She said with her nervous voice.
Bakit ba sila natatakot na tawagin ako? O kausapin man lang? Dahil ba masungit ako o ano?
"Sino? Wala ako sa kulungan para dalawin." Inis kong sambit. Nainis rin ang babae sa sinabi ko pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"He didn't tell his name so we assume that you know him. Hindi namin pinaakyat dahil… ayaw magbigay ng identity. At isa pa… para ring pamilyar," nagtaas ako ng kilay at tumingin sa cellphone ko na nasa lamesa saka ko kinuha 'yon.
Tumingin ako sa babae sunod sa cellphone ko at sunod sa kaibigan kong nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko sa babae.
Tumingin muli ako sa cellphone at binuksan 'yon. Bumungad agad sa lockscreen ko ang message ni Mr. Fortiarra— I mean, Vaughn. He have 10 new messages and 5 missed calls. Damn. What's with him?
Tumingin ako sa babae at tumango. "Susunod na ako, salamat." Saad ko pero hindi ngumiti tanda na sincere ako.
"Sino?" Kuryosong tanong ni Rishy.
Umiling ako at ngumuso, "wala." Naninimbang ang tingin niya at alam niyang may tinatago ako.
Dapat naman talagang tago ito! Ano ba naman kasi ang mayroon sa nakain ng damuhong 'yon at bigla siyang magtetext o tatawag ng ganito tapos… pupunta pa rito?!
Tumayo ako habang tina-type ang password ng cellphone ko, "puntahan ko lang 'yon." Saad ko at nagsimula nang lumakad.
Hindi na nang-usisa si Rishy at bumalik na lang sa mesa niya kaya bumuntong hininga ako at binasa ang messages ni Vaughn.
From: Vaughn
Hey, let's have dinner data tonight. At 7 pm since your out is 5 pm. You still have time to dress yourself out.
From: Vaughn
I'll have you fetch by my bodyguards on your apartment later.
From: Vaughn
Why are you not replying?
From: Vaughn
I need your approval if you want to have dinner tonight.
From: Vaughn
Hey, reply to my text.
From: Vaughn
I know it's work hours, but I know you can at least reply ‘okay’ to me?
From: Vaughn
I'll call, then.
From: Vaughn
Answer my call.
From: Vaughn
Hey woman, answer my damn call!"
From: Vaughn
I'm getting pissed. You're the only one who were not replying to my texts and ignoring it. My colleague's always immediately reply to my texts. And also you replied sarcastic earlier.
From: Vaughn
Damn. I'm going there. See you.
Napairap ako habang isa isang binabasa ang parang tangang texts messages niya sa akin. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking ito o baka wala lang magawa sa trabaho kaya nanggugulo. He called 5 times and got pissed immediately! Napaka naman! Ano pa-VIP? Kailangan siya ang unahin ko? E, nag-eemote ako ng mga oras na 'yan?!
Lumabas ako ng elevator at agad na pumunta sa lobby. Itinuro sa akin ng babae kaninang punta sa akin ang lalaking naghihintay sa akin sa lobby. Kasama ata ang kaniyang secretary na nakatayo sa gilid niya.
He's there, languidly sitting on the couch, both elbows were on the couch's side, sitting comfortably there like a f*****g King. He shifted on his sit when I go near to him. I saw how his eyes surveyed my whole body then around the lobby. I rolled my eyes and stopped in front of him.
"What's with you?" I asked straight.
"What? What's with your eyes, it's swollen. Were you crying?" His fingers reach for his lips while his perfect granite eyes, were looking at me intently yet looked worried at the same time.
I ignored his question, "Anong nakain mo at pumunta ka pa dito? Anong problema mo? Kakakita lang natin kanina ah, saka hinatid mo pa nga ako rito." He sighed heavily and stood up so I stepped backward.
"You're not answering my calls. Not replying to my texts," he probed and shrugged.
"Malamang busy ako. Marami akong ginagawa hindi kagaya mo na…" I look at him from head to foot. "Palaging hawak ang oras at walang pakialam sa trabaho."
"I cared for my work, though. I'm just vaccant this time so I have time to text you or to call you."
"Well, I'm not you. I'm not vaccant this time and I have work lining in front of me. So be it." Umirap ako sa kaniya nang nakita kong nag-igting ang panga niya.
"I just want your answer to my invitation," his secretary suddenly cough unintentionally so he got interrupted. "Damn, woman, you're the only one who I am texting and inviting formally, tapos ayaw mo pang sumagot?"
"H'wag kang paimportante, masyado kang pa-VIP. Marami akong ginagawa kaya dapat kang maghintay sa response ko. Hindi 'yung, automatic may reply agad. Hindi ako robot." His jaw clenched at my answer then tilted his head as if looking for something in my eyes.
I looked away and swallowed hard.
"You look tired. Your eyes were swollen. I think… you cried? Why?" Nauubusan na ako ng pasensya dahil sa tanong niya. Bakit ba ang daldal ng lalaking 'to? Bakit ang daming tanong?
Tumingin ako sa secretary niya, nakatingin lang ito sa ibang parte ng lobby pero alam kong nakikinig siya sa usapan namin, saka ako huminga ng malalim bago siya hinatak papunta sa isang lift para ihatid siya sa basement.
"Where are we going?" He asked innocently as I pull him towards the lift. His secretary followed us but he motioned somthing to him so his secretary stopped following us.
Nang makapasok kami sa lift, walang tao kaya hinarap ko siya at humalukipkip. Nakipagtitigan siya sa akin at nagtaas ng kilay. Damn this man! How could he be so goddamn gorgeous and hot at the same time like this?!
I heave a sigh, "look, Vaughn, I will go to our data willingly…" that sounds different. Looks like I'm torn to him, huh? "I mean… I will go there without you being here. Akala ko ba exclusive? Dapat tayo lang ang nakakaalam, hindi ipinangangalandakan." Umirap ako at bumuntong hininga.
"Yeah, I know. I just want to check on you, though." He said like is defending something. "And… I think…"
"Wala 'yan, kakahilamos ko lang kasi kanina bago ako tawagin kaya namumula ang mata ko." Palusot ko na alam kong bumenta naman sa kaniya dahil tumango siya ng marahan.
"I guess so. Your nose were a bit red, too. I just thought you cried earlier." He said. Still not moving on what he want.
"I explained."
"Yeah."
"So, what I would wear then? Casual? Formal?" I asked because I don't know what to wear when I'm with him, I feel so concious.
"Wear anything comfortable," aniya, "but not too revealing." Pahabol pa niya kaya umirap ako.
"Hmm, then I will wear spaghetti strapped dress," I smiled sweetly at him when he turned to me. "I have dress on my closet, I will wear that, that was backless but I feel comfortable wearing that, so I hope it's not a problem with you?" I asked innocently.
"Don't you ever wear that kind of clothes." He said in a cold voice.
But I smiled sweetly, "I feel comfortable with that, though. You said, I will wear something comfortable?"
"But… don't wear that kind of clothes, it's … tempting… you know." He swallowed hard.
"What the f**k?! Sabi na nga ba, e! Napaka manyak mo talaga!" Akusa ko sa kaniya pero inismiran lang niya ako at tumingin lang ng diretso sa harapan niya.
"So, 7 pm? This night?" I asked, diverting the topic. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami.
"Yeah." Tumango siya at habang nagpapatuloy siya maglakad papunta sa kung nasaan ang kaniyang kotse.
"You your have driver with you?" I asked him because I saw someone standing in front of this car.
"Yeah." Tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Tapos ngayon parang ayaw mo na magsalita? Samantalang kanina, kung ano anong kadaldalan pinagsasabi mo. Tss."
Huminga siya ng malalim at huminto, ilang metro na lang ang layo namin sa kotse niya. Humarap siya sa akin at hinawakan ng maramahan ang baba ko. He crouched and tilted his head to the side to have an access to kiss my lips gently.
"I was just worried." He said breathily when we withdraw from that soft kiss.
"There's nothing to worry," I said, feeling lost in his kiss.
He gave me feathery kisses again that made my stomach churn in a foreign sensation. I think… I'm losing my mind! Damn!
"See you later, then." He whisper and slightly smiled. I was taken aback because of his smile that I couldn't see he was nearing his car. "Bye!" He said when I turned to him, dumbfounded.
Did he really smiled? Oh damn. You fool!
Umiling na lang ako nang makaalis na ng tuluyam ang kaniyang kotse sa basement. Dumiretso na ako sa elevator para makapagpatuloy na sa pagtatrabaho.
I don't have any work outside the company, yet, so I will be here often. Mas gusto kong sa labas ng kumpanya ako magtrabaho. Mag-interview ng kung sino. Gumawa ng journal. Mag-report. Or whatsoever! Ayokong nasa kumpanya ako palagi dahil… mas madalas talaga ako guluhin nina Mommy at Daddy dito.
Maaga ako natapos sa ginagawa ko kaya nang pumatak ang alas tres y media ng hapon, nag-ayos na agad ako ng gamit ko para makaalis na at makapag-ready na rin.
"Aga, ah? Saan ang punta? Usually, umaalis ka on time, kaya why in a hurry?" Si Rishy na nasa gilid na agad ng lamesa ko. Nakikiusisa na naman.
"May date ako." Simpleng sambit ko na nagpabigla sa kaniya.
Lumipad ang kaniyang kaliwanag kamay sa kaniyang bibig para takpan iyon sa gulat. Umirap ako at nagpatuloy na sa pag-aayos. I smirk when I caught him off guard.
"What the hell, Kyleigh?!" He screamed in betrayal. Dapat kasi kapag ganito, ang sabi niya, dapat siya ang unang makakaalam. Well, siya naman ang unang nakaalam.
"What?" I asked while arching a brow.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Sino nanliligaw sa 'yo? Sino 'yan?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
Nanliligaw? Hindi naman nanliligaw ang lalaking 'yon.
"Hindi naman…" I trailed off and pouted a bit thinking about Vaughn Dominique Demetrius Fortiarra courting me sent shivers down my spine. Damn! That was hot as hell!
"Anong hindi naman? Hindi nangliligaw pero nagde-date kayo?"
Tumango ako. That's my interview's sake!
"Hindi ako naniniwala! Kaya kapag handa ka nang ipakilala sa akin 'yan, spluk agad ah." Tinampal pa niya ng pabiro ang pisngi ko. "Saka… kung…" humina bigla ang boses niya, as if don't want anyone hear his words, "magju-jugjugan kayo, gamit condom, ah." Natawa siya nang makita ang reaksyon ko sa sinabi niya.
Namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya! I feel so embarrased! Damn it!
"Ugh! Gan'yan talaga kapag mga virgin, jusme!" Natatawa niyang sambit at tinapik tapik ang pisngi kong namumula dahil sa init na nararamdaman sa sistema. Tang'na talaga ng lalaking 'to! I mean bakla!
Suminghap ako at inismiran siya, "tumugil ka nga, bakla! Kadiri!" Inis kong baling sa kaniya at umirap.
Humalakhak siya kaya mas lalo akong sumimangot sa kaniya.
"Jusko, dzai! Kailangan mo na talaga ng boyfie! Kailangan mo na ng experience!" Natatawa pa rin niyang sambit kaya napapatingin na sa amin ang ibang empleyado rito.
"Kainis ka. Ang lakas ng boses mo." Inis kong sinabi at nang matapos na ang pag-aayos sa mga gamit ay naglakad na ako.
"'Yung bilin ko, Kyleigh!" Pahabol niya kaya napailing na lang ako at kumaway sa kaniya.
Hulinga ako ng malalim nang makapasok sa elevator. Dire-diretso akong lumabas ng building at pukara ng taxi para makauwi na.
Nang dumating ako sa apartment ko ay agad akong umupo sa couch na nasa sala. Tumitig sa kawalan at hindi inalintana ang oras. Gusto ko muna magpahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya ang sakit ng katawan ko.
Ang bigat pa ng pakiramdam ko kahit ilang oras na ang nakalipas mula nang magkasagutan kami ni Mommy kanina. Masakit pa rin dahil… kahit gano'n ang trato nina mommy sa akin, magulang ko pa rin sila.
Kahit… ang sakit ng pinaghirapan ko nang nasa puder nila ako, hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko sila dahil… magulang ko sila. Kahit alam kong hindi nila ako tanggap at alam kong… hindi nila ako mahal bilang isang anak, mahal ko pa rin sila dahil magulang ko sila.
Pero masakit ang marinig mula sa bibig nila na ayaw nila sa akin at sana pinatay na lang nila ako nung bata pa ako. Ang sakit no'n. Walang katumbas na sakit.
Umiling ako nang maramdaman ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. Agad kong pinanasan 'yon at tumayo na saka humingang malalim. Naglakad na ako papasok sa kuwarto para makapaligo na at makapaghanda na rin sa date namin ni Vaughn.
"Date namin ni Vaughn…" I echoed and unconsciously smiled to myself.
Why is it feels so surreal? Hays!
I let myself ravish the cold water. Nagtagal ako sa pagligo para naman kapag nagkaharap kami mamaya ni Vaughn, hindi na ako mag-amoy ewan. Kanina panay ang laput niya sa akin at hinayaan ko 'yon dahil alam kong mabango pa ako sa mga oras na 'yon. Pero kung hindi ako maliligo ngayon, jusmiyo marimar de santino ang asim ko!
Mahigit isang oras akong naligo, kaya nang lumabas ako ng banyo ay halos mag-alas s'yete na. 6:30 pm na kaya naman nagmadali na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Inayos ko ang damit ko at tumingin sa whole body mirror na nakatayo malapit sa pintuan ng kuwarto ko.
I put light make up and made my hair in a bun. I wore wine colored sweetheart spaghetti strapped dress, but this is not backless like what I've said to Vaughm earlier. It's fine and I think it's more conservative, for me. I paired it with black uncle strap stilleto. And viola! I'm done!
I'm ready…
But not entirely when I heard a knock on my door. I took my black sling bag and look at my wall clock. It's already 7:15 pm! Damn! I'm late!
Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at muntikan pang madapa dahil sa kakamadali! I composed myself again and open my door. It revealed a bulky bald man in his all black attire. I know it's his bodyguard.
"Good evening, Miss. I'm Peter," wow in other word… Satanas? Char! Saint Peter is that you? Jusmiyo marimar de santino, ang boss niya Devil Tycoon, tapos ang bodyguard ang pangalan ay Peter! What's with them? "Boss Vaughn sent me here to fetch you to your dinner date tonight." Nice, pati bodyguard englishero. "Inakyat na po kita dahil inutos na rin ni Boss na akyatin ka kapag lumampas na ang alas siyete at hindi ka pa bumababa." Ang dalawa niyang kamay ay likod at magalang na nagsasalita. Nakatingin rin siya sa kawalan na parang utos sa kaniyang h'wag akong tingnan sa mga mata.
Umiling ako at lumabas na sa apartment ko. Ini-lock ko 'yon at inaya na si Saint Peter— este Kuya Peter na bumaba na para makaalis na kami. Tahimik lang ako sa biyahe pero hindi ko na maiwasang mang-usisa.
"Kuya, kumusta pala bilang amo si Vaughn?" Tanong ko habang kinakalikot ang cellphone at napansin doon ang sunod sunod na namang text ni Vaughn.
Parang grade 1 'to na ngayon lang natuto magtext. Grabe sunod sunod!
"Si Boss Vaugh?" Ay hindi, si Boss Dominique. Tss.
"Opo," pilit kong sagot.
"Ayos lang ma'am, strikto at kapag nagkamali ka ng dalawa hanggang tatlong beses, tanggal ka agad sa trabaho. Laging mainitin ang ulo. Lalo na kapag nagkaproblema sa construction company niya, mas malaki ang nagiging galit niya kapag sinasabayan ang inis niya." Anong ayos doon? Sabi niya kanina ayos lang pero… grabe naman pala.
"Talaga po? E, buti po tumatagal kayo sa kaniya."
He chuckled, "kahit gano'n 'yon Miss, hindi 'yon nagpabaya sa amin. He always care for us." Kahit ganito siya mag-english, alam kong may pinag-aralan si Kuya Peter kaya iniintindi ko kung bakit medyo matigas siya mag-english. "At isa na rin ako sa mga trabahador nila na matagal na sa kanila. Bago pa mamatay ang mommy niya, sa kanila na ako nagtatrabaho."
I don't know if I can add this information in my report or not. But it seems like it can help, though. As an opinion I think or for more information about his personality.
"So… kahit po nakakatikim kayo ng mura sa kaniya o kung ano, ayos lang kasi… maayos naman magpasahod at hindi kayo pinababayaan as an employee?" I probed again.
"Yes, Miss. Saka ayos na rin 'yon, at least natututo kami na pakisamahan siya lalo at intindihin ang ugali niya." I wonder how his attitude goes so far? Is he that devil personified— as many says? Or not?
Huminto ang kotse sa isang basement. Hindi ko alam kung saang restaurant or hotel ito, but I think it's just near BGC. Matagal ang biyahe kaya naunawaan kong medyo malayo nga ang napigili niyang restaurant or hotel.
Iginiya ako papasok ni Kuya Peter sa elevator at siya na rin ang nagpindot ng tamang palapag.
Ngayon pa lang ako kinabahan at nanlamig dahil… makakaharap ko na naman siya. Ano kayang histura niya? I know even in just his white t-shirt he looks more dashing and gorgeous man, and also more in his suit. Damn that hot man!
My heart beats so fast when we reached the right floor. Naunang lumabas si Kuya Peter kaya huli ko nang napagtantong nasa rooftop kami. Walang ibang naroon kung hindi ang mga stuff, na magbibigay sa amin panigurado ng mga pagkain, dalawang bodyguard sa gilid, at kaming dalawa ni Vaughn.
At mas lalo lang naghuramentado ang aking sistema nang magtama ang paningin naming dalawa. He licked his lower lip as he look at me intently, surveying my body and my attire. His eyes held desire when it went back to my eyes. My heart leap when he walk towards my direction and his jaw clenched.
"You really wear that damn clothes?" He said in a menacing voice that sent shivers down my spine. I looked away and I felt my cheeks burn in unnamed emotion. "Well, so be it. Don't just regret later." He said huskily. Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya 'yon.
Hinawakan niya ang bewang ko at umuklo para halikan ako sa labi. He then smirked and guide me towards the table.
Damn him!
I feel so embarrased now because of his words!