[READY YOURSELF FIRST BEFORE READING] Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na bumalik at ipaglaban ang sarili ko, hindi ko magawa. Parang pakiramdam ko, kapag bumalik ako sa opisina ni Vaughn at sabihin ko ang tungkol sa usapan namin ni mommy, wala ring mangyayari. Magagalit pa rin siya sa akin. Huminga ako ng malalim at pumikit bago yumuko. Sumusuko na sa lahat. "Miss Kyleigh, ayos ka lang po ba?" Tanong ni Christian na tinanguan ko lang habang nakapikit pa rin at nakayuko, nakasandal sa gilid na dingding ng elevator. "Kilala mo rin pala si Stella Valdez, Miss Ky?" Walang alam na tanong ni Yarra. "Ang ganda niya talaga sa personal, ano? So prim and proper. Feel ko napaka perfectionist ng parents niya dahil sa kilos niya ngayon." Dugtong pa niya. "Naku! Mataray naman daw 'yon sabi ng

