Chapter 2

1351 Words
Suzette opened her eyes when she felt she's totally awake. And yes umaga na. Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtantong hindi iyon ang loob ng apartment niya. Ibang-iba ang mga gamit at ayos ng kwarto. Lumingon-lingon siya sa buong paligid. Malinis at maayos ang loob ng kwartong iyon at amoy yayamanin dahil sa fragrance na naaamoy niya mula sa aroma lamp na naroon. Narinig niya ang tunog ng patak ng mga tubig na tiyak siyang galing sa shower. Nanatili siyang nakaupo sa kama at inalala ang mga nangyari kagabi. Napatakip siya ng bibig. My gosh, what did I do? Si Sandro. Naisip niyang umalis na lamang kaya at iwan kung sinuman ang lalaking nasa loob ng shower room na iyon. Kinapa-kapa niya ang kama baka may maiwan pa siyang gamit. Nang wala na ay agad siyang tumayo at dahan-dahang naglakad. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang hunk na lalaki. Nakahubad ito at nakatakip lamang sa babang parte nito ang bath towel na bakat naman ang kalakihan ng manhood. Napakagat-labi siya at mabilis na nag-iwas ng tingin roon. Basa ang buhok nito at may iilang butil ng tubig sa braso at balikat. She looked at him. He looks familiar. Maybe kilala niya ito. Seryoso na nakatitig ito sa kaniya nang may mga tanong. Napalunok siya at naghanap ng maisasagot. Hindi pa man nakakapagsalita ay nakalapit na agad ito sa kaniya. Amoy niya ang mabangong scent mula sa ginamit nitong shower gel. Yumukod ito ng kaunti. Mas lalo pa siyang nalunod sa bangong iyon. Maloko ang tingin na ipinukol nito sa kaniya. Kinilala niya ito nang malapitan. Napakunot ang kaniyang noo. "Ikaw?" "No other than," pilyong sagot nito. Muli siyang napalunok at medyo napahiya ng kaunti. Ang lalaking nangangkin ng katawan niya kagabi ay walang iba kundi ang campus crush noon na dati niyang binasted. "We met again, hindi ko alam na sa ganito pang pagkakataon tayo muling magkikita." Hindi siya nakaimik. Napataas na lamang ang kilay. "Di ba nga binasted mo 'ko before. Hindi ko alam na easy to get pala ang niligawan ko noon." Mapanlarong saad nito. Bigla siyang nakaramdam ng insulto. "Kailangan ko nang umalis," inis na lumakad siya subalit napahinto siya nang agad na may marealized. Lumingon siya at tumingin rito ng masama. "Sa tingin mo ganung-ganon lang 'yon? Of course my kapalit ang lahat nang nangyari kagabi." "Gaya nang?" Agad na sagot nito. "Kailangan mo 'kong bayaran." Pilyo itong ngumiti. Naglakad ito palapit sa kaniya. "Prostitute kana pala ngayon." Mas lalo siyang nainis. "Wala nang libre ngayon," lakas-loob niyang sagot. Humarap ito. "Oh nga naman," tipid nitong sagot. "Then what are you waiting?" Apurado niyang sambit. "Can I get dressed first?" Mapanlokong nagtanggal ito ng towel sa harapan niya. Agad siyang napatalikod. Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to. Inis niyang bulong sa sarili. "Are you done?" Kunut-noo niyang tanong. Nanindig bigla ang balahibo niya nang maramdaman ang kiliti na dumaloy mula sa tenga nang bulungan siya nito. "Yes honey," malambing nitong sagot. Napaatras pa siya. Palihim itong natawa sa naging reaksyon niya. Hinarap niya ito. "Oh come on Ms. Barcelona, don't be too nervous. I'm just looking my-" "Kanina mo pa 'kong sinusubukan ah. Ano bang gusto mo?" Mariin niyang tanong. Tumitig ito at mas lalo pang lumapit. "Magkano bang lahat ng 'yan?" Nanggalaiti siya nang tinapunan nito ng tingin ang kaniyang labi, dibdib at babang parte saka muling tumingin sa mga mata. Mabilis ang palad niya na tumama sa pisngi nito. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang nasampal si Carlos. Ewan kung nababastusan ba siya sa inasta nito o sadyang nainsulto lang talaga siya. Hindi ito makapaniwala nang humarap sa kaniya. Maging ito ay nabigla sa kaniyang ginawa. Bumilis ang kabog sa dibdib niya dahilan para patakbo siyang lumabas sa kwarto ng lalaki. Saka lang siya kumalma nang makalayo na siya nang condo. Napahawak siya sa handrails na naroon sa gilid ng kalsada palabas. Lumingon siya sa condominium building. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari nang umagang iyon. Matapos nang ilang taon ay muling nagcrossed ang kanilang landas ni Carlos. Hindi niya lubos maisip na makatanggap ng insulto mula sa lalaking lihim niyang nagustuhan noon. Ganoon nalang ba talaga kababaw ng tingin niya sakin.. Kuyom ang kamao at naluluhang bulong niya. Wala siyang karapatan para sabihan ako ng ganun.. Pairap na umalis siya at sumakay ng taxi. Nagulat si Carlos sa ginawang pananampal sa kaniya ni Suzette kanina. Napailing siya. Ito lang ang kaisa-isang babaeng gumawa niyon sa kaniya. Kahit ni minsan ay hindi niya iyon naranasan sa kahit na sino lalo na sa kaniyang ina at lola. Tss, hindi lang dito matatapos ang lahat sa atin Zette.. Ngayong natikman na kita hindi ako papayag na ganung-ganon lang. There should be for a second time. Hintayin mo ang muli kong pananabik. Tiim-bagang niyang bulong sa sarili. Sa mga nangyari kagabi ay nabuo ang pagnanasa niya sa dalaga. Hindi ito maaaring tumakas sa kaniya. Kaya nitong gawin ang gusto nito pero hindi ang kumawala sa mga kamay niya. Pumasok siya ng office. Maging doon ay hindi mawala sa isip niya ang babaeng si Suzette. Talaga nga bang nakakasira nang bait ang nakalilibog na ganda at kasexyhan ng babaeng yun? He smirked. Bakit hindi siya nito pinatatahimik kahit nasa office na siya? Sa tuwing naaalala niya si Suzette ay pumapasok sa isip niya ang kaligayahang nalasap niya sa babaeng iyon. Halos hindi siya makapagfocus sa ginagawa. Talagang nakain na siya ng kabaliwan kay Suzette. Tila hinahanap-hanap niya ito. Napapikit siya at kahit pilit na iwinawaglit sa isipan ang one night stand na iyon ay hindi ito maalis-alis sa isipan niya. He really need her. Tila nauuhaw muli siya sa katawan nito. Nang matapos siya sa trabaho ay bumaba na siya ng elevator para makauwi. Gusto niyang umuwi ng bahay upang makapagrelax at para narin makasama niya ang kaniyang Lola dahil mag-isa na lamang ito roon at katulong lamang ang kasama. Hindi pa kasi nakakauwi ang kaniyang ama at nakababatang kapatid mula sa States. Hindi pa naman siya nakauwi kagabi dahil nga sa nangyari sa kanila ni Suzette. Palabas na sana siya nang building nang mapalingon siya sa kinaroroonan ni Suzette. Anong ginagawa niya rito? Kunot-noong napatanong siya sa sarili. Pupuntahan niya sana ito ngunit napahinto siya nang makita niyang nakapasok na ito sa elevator. Hindi rin naman niya ito maaabutan kaya't umalis na lamang rin siya at sumakay ng kotse. Tinawagan niya si Ms. Elsa. "Anong ginagawa ni Suzette Barcelona sa loob ng company?" Kunot-noong tanong niya. "Suzette Barcelona," maya-maya pa ay muli itong nagsalita mula sa kabilang linya. "She's an applicant applying for the position of data analyst, Sir." "Hired her as an assistant, my assistant." "S-sir?" "Narinig mo'ng sinabi ko?" "Ah, yes Sir noted." "Alright." Napangiti siya. May namuo nang plano sa isipan niya. Pinaandar niya ang kotse at matulin na pinatakbo. "Talaga ho?" Masaya siya sa balitang natanggap. Tama siya. Matatanggap siya agad sa pinag-aaplyan niya walang duda ngunit nagtataka siya kung bakit Personal Assistant agad ang trabaho niya gayong malayo sa posisyong pinag-applyan niya. Well, mas mabuti narin iyon dahil hindi na siya mahihirapan na makapasok pa sa mga Lorenzo. Lihim siyang napangiti. "Yes Ms. Barcelona. You can start tomorrow." Nakangiting sagot nito. Matapos sabihin iyon ay nagpaalam na siya at lumabas agad ng pinto. Tinawagan niya ang kaibigan at inaya itong magtanghalian sa isang fast-food chain. "Aba, magandang balita nga iyan. Bilib na talaga ako sayo, anlakas mo. Biruin mo data analyst lang ang pinag-aaplyan mo pero natanggap kang Personal Assistant ng President ng company?" Hindi makapaniwalang wika nito. Napangiti na lamang siya. Now, it's a beginning.. Sa loob-loob niya. "Ang alam ko gwapo at isang hunk ang panganay na anak ni Mr. Mauricio. Siya ngayon ang pumalit bilang President ng company dahil nga maysakit ang kaniyang ama at nagpapagamot pa sa States. I think Carlos Javier Lorenzo yata ang pangalan nun." Napatingin siya sa kaibigan. Carlos Javier Lorenzo.. Naalala niya ang pangalang iyon. Yung article na hindi niya nabasa. Tingnan mo nga naman.. Anak niya pala 'yon. She smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD