Chapter 4

1690 Words
Isang mainit na trabaho ang sumalubong sa kaniya nang araw na iyon. Labis pa sa kaniyang inaasahan. Ipinatong niya ang mga paa sa sofa na kaniyang inuupuan habang nakasandal roon. Hawak ang wine glass ay laman parin ng kaniyang isipan ang mga nangyari sa buong maghapon sa unang trabaho. Hindi niya napigilan ang manibago. May itinatago rin palang kahayupan at kamandag ang dating lihim niyang iniibig na si Carlos. Oo, dati pa matagal na. Maaring wala na ang pag-ibig na iyon, nabura na matapos nang lahat ng nangyari sa kaniya. How interesting.. Sa isip niya. Isang kalabit lamang nito sa kaniya ay bigay na agad siya. Ewan ba niya, sa tingin niya ay mabuti narin iyon upang mas mabilis siyang makapasok sa buhay nito. Sa gayon ay malaya niyang magagawa ang mga plano. Kailangan niyang mas maging mapang-akit pa sa mga mata nito. He is a monster na obsessed sa kaniya at nababasa niya iyon sa kung paano ito tumitig sa kaniya. Halong emosyon ang naramdaman niya habang sumasagi sa isipan ang gwapo at mapang-akit rin nitong imahe. Tila siya yata ang tinamaan at hindi ito, subalit hindi maaari. Kailangang ito ang mahulog sa bitag niya at hindi siya. Mapanlaro ang mga mata nito at tatapatan niya iyon. Dumating rin sa wakas ang nais niya. Hindi pa man nakakagawa ng hakbang ay madali na para sa kaniya ang mga bagay na nais niyang gawin. Palay na ang unang lumapit. Isang lalaking mabilis mahulog lalo na sa usapang s*x. Lihim siyang napangiti. Carlos Javier Lorenzo.. What a coincidence.. Pangalan nito ang tumatak sa kaniyang isipan. Panganay na anak pala ito ng isang hayop na si Mauricio, ang taong lumapastangan sa p********e niya. Ang sumira sa buhay niya, ang nag-iwan ng bakas sa balat niya. Napatingin siya sa braso na may peklat. Hinding-hindi niya makakalimutan ang isang madilim na gabi na nag-iwan noon sa kaniya ng trauma. Dalawang taon na ang nakalilipas, isang halimaw na nagbabalat-kayong bilyonaryo at may mataas na tingin sa sarili. Napatitig siya nang masama sa kawalan. "Maawa na po kayo, huwag po.." nagmamakaawa niyang sambit habang basang-basa ng luha at pawis ang mukha. "Ayaw mong gawin? Pwes, ako ang gagawa!" Unti-unti nitong pinunit ang kaniyang kasuotan. Matindi ang hapdi at sakit na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nasugatan siya ng kutsilyo sa braso nang makipag-agawan siya kay Mr. Lorenzo. Wala nang pag-asa para ipagtanggol niya ang sarili sa lapastangan na taong ito. Dahil kahit anong gawing panlalaban niya ay hindi kaya ng kaniyang katawan ang lakas nito. Tumambad sa harapan nito ang hubad niyang katawan. Para itong hayok na halimaw kung makatingin sa pinakaiingat-ingatan niya. Sa isang madilim na silid na iyon ay wala siyang nakitang tao maliban lamang sa kanilang dalawa. Simula nang dalhin siya nito roon ay hindi pa siya nakakalabas. Tumulo na lamang ang kaniyang luha nang maalala ang madilim na sinapit niya sa kamay ni Mauricio. Patuloy niyang ininom ang wine. Iyon ang tanging nagpapalakas ng kaniyang loob nang mga sandaling iyon. Masakit para sa kaniya ang mga napagdaanan niya. Hindi niya pinangarap sa sarili na mangyari ang mga bagay na iyon. Bakit kailangan pa niyang maranasan ang isang malagim na pangyayari sa kaniyang buhay? Isa lamang siya noong mahinang babae na pinagsamantalahan, narumihan ang katawan at pangalan dahil sa kademonyohan ng taong iyon. Gayunpaman sa kabila ng lahat nang mga nangyari ay unti-unti siyang umusad. Ayaw niyang maiwang talunan. Ang masalimuot na kahapon ang nagbigay sa kaniya nang daan upang mas lumakas ang loob na harapin ang pagsubok. Ang mga experience niya sa buhay ang witness sa kaniyang katapangan at reason na hindi dapat magpatalo sa mga hamon na ibinibigay ng mundo. Muli siyang uminom ng alak. Malalim parin ang iniisip nang tumunog ang kaniyang cellphone. Binasa niya ang text roon. Don't forget about the business trip tomorrow. Be on time.. Of course ang business trip. Hindi niya nakakalimutan iyon. Agad siyang napasabak sa ganoong trabaho. Kahit anuman ang iutos nito ay kailangan niyang gawin. Siya'y naging sunud-sunuran. Saan man ito magpunta ay para narin siyang buntot. Sabagay, iyon lang ang mas madaling paraan, iyon naman talaga ang habol niya. Sa tingin niya ay unti-unti na niyang mahahawakan si Carlos sa kaniyang mga kamay. Alam niyang konti nalang ay mababaliw na ito sa kaniya at kapag nagkataon ito naman ang mapapasunod niya. Sa plano niyang makapaghiganti sa ama nito ay tama lang ang ginagawa niya. Hanggang sa di niya namalayan, nakatulugan na niya ang pag-iisip. Habang papasok ng airport ay hanap ng kaniyang mga mata si Carlos. Napako ang tingin niya sa lalaking nakasuot ng milky white uniqlo shorts matching with robber shoes at sky blue na polo shirt. Kahit pa nakashades ito ay alam niyang sa kaniya ito nakatingin. Napalunok siya, ayaw mang aminin but he really looks handsome with his simple outfit. Napakaheartrob ng dating nito dahil siguro sa s*x appeal na dala nito. Napansin niya ang ilang mga kababaihang kinikilig habang nakatingin rito. Tumingin ito sa suot na silver watch nang makalapit siya. Tumingin siya sa mga babae, nakita niya kung paano ito nadismaya nang makita siyang lumapit kay Carlos. "Tara?" Nauna na itong lumakad. Habang siya naman ay pasunod na naglakad bitbit ang envelopes, shoulder bag at maliit na maleta. Maya-maya pa ay lumingon ito sa kaniya at lumapit. Nagulat siya nang kunin nito ang hilahila niyang maleta. "Ako na," tipid nitong sagot saka nagpatuloy sa paglakad. Na-touched siya sa pagiging gentleman nito. Muli niyang naramdaman at naalala ang dating Carlos na kilala niya sa high school. Natahimik siya habang pasunod na naglakad. Minsan siyang napapasulyap rito. Hindi niya mapigilan ang hindi mapatingin sa Boss niya. Sumakay sila sa private plane ng mga ito. Naupo ito sa may unahan distansya mula sa kaniya. Mayaman nga ang mga ito sa loob-loob niya. Kung hindi lamang siguro nasira ang buhay niya ay successful narin siguro sana siya ngayon. Mas okay pa siguro ang pagkikita sana nilang muli ni Carlos at hindi sa ganitong sitwasyon. Lihim siyang nalungkot. Napatingin na lamang siya sa bintana. Pinagmamasdan ang malalayang mga ulap na bumabangga sa wings ng eroplanong kanilang sinasakyan. Napalingon siya sa kinauupuan nito. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Siya na ang unang umiwas rito. Sumandal na lamang siya at isinuot ang shades na nakalagay sa ulo saka pumikit. Nagising na lamang siya nang maramdaman ang pagtanggal ni Carlos ng suot niyang shades. "We're here," saad nito. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya. Agad siyang umayos ng upo at tumayo habang ito naman ay nauna nang bumaba ng plane. Kinuha niya ang mga dadalhin. Isang tauhan ang kumuha ng kaniyang maleta at nagdala pababa. Hinayaan na lamang niya ito. "It's a long trip, sana naman huwag kang magdumi sa loob ng kotse." Wika nito habang hinihintay na maipasok ng tauhan sa likod ng sasakyan ang maleta niya. Bigla niyang naalala ang nangyari isang gabi. Napakunot ang kaniyang noo. Nahiya siya ng kaunti. "Don't worry hindi ako lasing at wala akong motion sickness," pagtataray niya. Nauna siyang pumasok sa loob. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin nito. "Sa front seat ka umupo," utos nito nang buksan ang pinto sa gilid niya. "No Sir, okay na po ako rito." Magalang niyang sagot. Nagtimpi ito. "Ano, kakargahin pa kita?" Maawtoridad na saad nito. Napabuntong-hininga at napapikit na lamang siya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos nito. Muli siyang lumabas at lumipat sa harap. Isinara ni Carlos ang pinto nang makapasok siya. Tahimik itong nagmaneho. Napapasulyap ito sa kaniya habang siya naman ay sa bintana nakatingin. Binuksan niya ang bintana at malayang pinagmasdan ang nadadaanang mga rice field. Sariwa ang hangin na humahampas sa kaniyang balat. Maganda sa lugar na iyon sa tingin niya. Masarap ang buhay sa probinsya bigla niyang naalala. Huminto sila sa isang malawak na farm na may bahay na nakatirik sa itaas na bahaging parte niyon. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. "Come with me," wika nito. Sumunod siyang bumaba ng kotse. Tinahak nila ang makitid na daan paakyat roon. Ano ba ang ginagawa niya rito? Akala ko ba business trip itong pupuntahan namin? Sa isip niya nang lumingon sa paligid. Isang matandang lalaki ang humarap sa kanila. "Oh, hijo buti at nakapasyal ka. Sino naman itong kasama mong maganda?" Wika nito nang makita sila. "Suzette po secretary ko," magalang nitong sagot habang nakangiti. "Tamang-tama halikayo, pasok." Tinawag nito ang kasama nito sa loob. Tingin niya ay asawa nito. Natuwa rin ito nang makita si Carlos. Agad itong naghanda ng meryenda. "Hindi ka naman nagsabi na mapapadaan kayo," saad naman ng matandang babae. "Ano ka ba, Marsyang kilala mo naman iyang si Carlos pa-sorpresa kung gumawa." Tumawa ang mga ito, napangiti narin siya. Natutuwa siya sa mga ito kahit matatanda na ay masayahin parin. "Aling Marsyang at Manong Banjo dumaan lang po kami para kamustahin kayo lalo na ho itong farm. Malakas ba ang ani at kita?" Sumagot ang mga ito kay Carlos. Nakinig lamang siya sa mga ito. "Oo hijo, ang totoo malakas ngayon ang mga spices at lalung-lalo na ang mga gulay. Maraming salamat hijo at sa ganitong paraan natutulungan mo rin kami." "Wala ho iyon, mahalaga lang naman sa akin ay makatulong kesa gastahin ang pera sa walang kabuluhan." Narinig niyang sagot nito. May punto ito. Naroon parin talaga ang dating Carlos na kilala niya. Ang pagkakaroon ng mabuting puso nito kahit pa may pagkabad boy. Matapos nilang magpaalam at nang makabalik na sa kotse ay nagtanong siya. "Ang farm na iyon sa inyo rin ba? Mukhang wala yan sa lists ng properties ninyo." Curious niyang tanong. "Ah oo, hindi yan alam ni Papa lalo na ni Bernard yung younger brother ko. Palihim ko 'yang binili noon para sa dati naming trabahador na pinaalis ni Mama at Papa dahil matanda na. Kawawa naman, halos sila na ang kasama ko sa paglaki ko. Actually yaya ko noon si Aling Marsyang at Driver namin si Manong Banjo. Wala naman silang anak kaya't iyon ang naitulong ko sa kanila na pwede nilang pagkakitaan. Malaya nilang gawin ang anumang naisin nila." "Ganun ba," saad niya. Tumango ito bilang tugon pagkatapos ay agad na pinaandar ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD