CHAPTER 32 CHALLENGE

2279 Words

"Good morning, Doc, pwede ba akong pumasok?" Nakangiting mukha ni Jack ang sumilip sa pintuan habang busy ako sa loob ng aking opisina. Tumingin ako sa kaniya habang umiiling akong nakangiti. "Sige, pasok ka." Simula nang masaksihan ko ang pagtulong ni Jack at pagbigay ng trabaho sa isang nangangalakal na lalaki na nakatira lang sa gilid ng bangketa ay nag-iba na ang turing ko sa kaniya. Ang inis ko sa kaniya ay napalitan ng paghanga. Paghanga na bibihira lang gawin ng mga kalalakihan sa kapwa nila. Pumasok si Jack na may bitbit na dalawang kape. Inabot nito sa akin ang isa. Kinuha ko ito at inilapag sa mesa. "Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa." "Maliit na bagay. T'saka kanina pa kasi kita hindi nakikitang lumabas, kaya naisipan ko na baka hindi ka pa nagkakape kasi ang aga mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD