Ilang linggo na rin ang lumipas simula nu'ng makita ko si Jack. Tama nga ang hinala ko na wala lang sa kaniya ang namagitan sa amin. At tama lang din ang desisyon kong kalimutan na lang iyon. Pero tama nga ba kung gabi-gabi ko itong naaalala? Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bawat haplos at halik niya na hindi mawala sa aking sistema. Hindi iyon nawala sa aking isip at mahirap na yatang kalimutan lalo na't siya ang nauna sa akin. Napabuntonghininga ako at hinilot ko ang aking sentido dahil bigla iyon sumakit. Umaatake na naman ang sakit ng ulo ko at ilang araw ko na iyon nararamdaman. Dumagdag pa itong taong ilang araw ng nagpapadala ng bulaklak sa akin. May secret admirer yata ako dahil kahit initial man lang ng pangalan niya ay hindi nakalagay sa maliit na papel sa loob ng bulaklak.

