"Ate Amor, kailan ang day off mo?" tanong ko. I was watching a fantasy movie when Ate Amor approached me carrying the snack she made. It was a pancake and a glass of orange juice. Tamang-tama kasi three o'clock pa lang ng hapon kaya masarap kumain ng mainit-init na pancake. Tumingin siya sa akin, "Hindi ko na kailangan mag day off dahil nasasayang lang din ang araw ko sa kain at tulog, nasisira ang diet ko. Mas gusto ko pang magtrabaho buong maghapon kaysa tumunganga lang. Wala naman akong napapala sa day off ko." seryosong sabi ni Ate Amor sa akin. Tumawa ako sa sinabi ni Ate Amor dahil para itong nagtatampo habang nagsasalita. "Nagda-diet ka pala sa lagay na iyan? Bakit parang wala naman nagbabago sa figures mo?" biro ko. "Ewan ko ba, kung kailan hindi ako kumakain ng kanin saka n

