Chapter 11 -Miguel- Kasalukuyan akong umiinom ngayon sa may buhanginan na malapit lang sa may tabing dagat, ito na lang ang nagawa ko ng malamang umalis si Firstcy sa mismong araw ng kasal naming dalawa. Umiinom ako dahil sa sama ng loob ko ngayon, ganito ba niya hindi kagustong makasal sa isang tulad ko. Kanina habang nakikita ko itong may kausap na ibang lalaki, sumidhi ang galit sa aking puso. Nakita ko kung gaano kaganda ang kanyang ngiti sa dumating nitong bisita kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sarili na tignan ng masama ang lalaking nangangalang Robert na kaibigan daw nito. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa lalaking yon, nakakaramdam ako ng hindi maganda maidudulot nito para sa asawa ko, pero dahil wala naman kong basihan hinayaan ko na lang din ito. Pero mukhang n

