Chapter 4
-Firstcy-
After two days ay bumalik na rin akong bansa dahil na rin sa walang katapusang pangungulit sa akin ni Whanalyn na umuwi na at malungkot daw si Mommy. Alam ko naman ginagawa lang nito dahilan si Mommy para mapabilis ang pag-uwi ko. Pero hindi ko nalang din pinatulan ang pagiging lokaloka ng kapatid ko.
Pero naisip ko rin na kaylangan ko rin na pagbigyan si Mommy lalo na at madalas akong wala sa bansa, at bihira ko na rin ito makasama ng rulad dati. Dalawa na rin kasi sa kapatid ko ang may asawa at may sarili na rin itong bahay na inuuwian.
Papasok pa lang ako sa mansion ng makarinig na ako ng mga tugtugan at mukhang nagpaparty nga sila Mommy. Napabuntong hininga pa ako dahil sa mukhang hindi na mapipigilan pa si Mommy sa gusto nitong gawin.
Paglabas ko palang ng aking kotse ay sinalubong na agad ako ni Rency at Elly mga anak ni Ninang Annalou ang isa sa mga best friend ni Mommy ko. Mga naging kababata ko na rin ang mga ito dahil sa palaging nagkakaroon gadering ang aming mga pamilya.
“Hi birthday girl, you're late.?” Nakangising tanong sa akin ni Rency, malakas talaga itong mang-asar na parang si Whanalyn.
“Your party started a while ago, did the guests think you weren't coming?” Seryosong tanong naman sa akin ni Elly. Ito naman ang kasundo ko dahil nagkakausap kami tungkol sa mga negosyo na balak naming itayo. Magaling kasi ito at lahat ng business na hinawakan nito ay walang lugi kaya naman maraming negosyante ang guto itong makuha.
“I didn't know Mommy was having a party. And if I find out you think I will come here.” Mataray kong sagot sa dalawang ito. Baliwala sa mga ito kung galit man ako o hindi. Kilala na rin namin ang bawat isa kaya wala na ring paki ang mga ito sa akin.
Kaya inirapan ko na lang ang mga ito at nagpunta sa garden kung saan naroroon si Mommy at abalang mag-asikaso ng mga bisita nito. Well, mukhang siya ang may birthday dahil halos kilala niya ang mga tao ngayon. Iilan lang ang kilala ko at saka hindi ako mahilig sa party dahil sadyang nakakapagod.
Naiinis lang din akong makita ang ilang mga bisitang mga plastic at puro pagpuna lang sa kapwa ang alam. Kaya madalas ay si Daddy ang pinapapunta ko sa mga party dahil sa naiinis lang ako makita ang ibang babaeng puro pagpapaganda lang ang alam. At katawan lang din ang palaging ginagawang puhunan para makakuha ng mga lalaking bibigyan lang sila ng isang gabing aliw.
“Hi Firstcy happy birthday” Bati sa akin ng mga nakakasalubong ko. Ngumingiti lang ako sa mga ito dahil kahit papaano ay ayokong maging bastos sa mga ito. Dahil alam kong magagalit sa akin si Mommy.
“Happy birthday my baby” Masayang salubong sa akin ni Mommy. Niyakap ako ng mahigpit kaya naman gumanti na lang din ako dito at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi. Kasiyahan ang makikita ko dito kaya naman ayokong masira ang gabi na pinaghandaan nito ngayon para sa akin.
“Thank you po Mommy” Masayang sagot ko dito.
“I'm sorry if I'm already partying without you knowing baby, but I just want to see you happy so I hope you'll just let me be.” Sambit nito sa akin at hinawakan pa ang aking kamay. Tumango na lang ako dito para ipaalam na ayos lang ang lahat. Nakita ko ang magandang ngiti nito at muli akong niyakap naiyak pa ito dahil sa sayang nararamdaman.
“Let's go see your Aunts and Ninang’s, they have been waiting for your arrival for a while now.” Yaya nito sa akin at saka kami ng tungo sa isang paikot na table at naroroon nga ang mga best friend nito at ang lahat ng asawa ng mga De Lana clan. Sa sobrang dami ng pamilya nila Mommy ay halos mapuno na rin ang garden namin.
Pagkatapos na malibot ko at makilala ang mga bisita ni Mommy at pabagsak akong naupo sa isang upuan at kumuha ng juice para uminom, nakakapagod talaga ang ganito kaya ayaw na ayaw ko talaga eh. Napapahilot pa ako sa aking binti dahil sa sumasakit ang mga ito, naka heels pa man din ako ngayon.
Nasa ganon akong ayos ng umupo malapit sa tabi ko ang isang lalaking kilalang-kilala ko. Naiinis ko itong tinignan pero natawa lang ito na parang wala lang dito ang tingin kong masama. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sa talagang pagod ako ngayon at wala panahong makipagtalo dito.
“You know I'm good at massaging your legs, if you want me to massage them if it hurts.” Preskong tanong nito sa akin habang maganda ang ngiti nito.
“Do you also know that I don't like people who care about other people's lives? And another thing, why are you here? I don't remember that my family knows you?” Pagtataray ko dito at saka ito iniwan doon at pumasok na ako ng mansion para makapagpahinga dahil talagang pagod na ang katawang lupa ko.
Basta ko na lang ibinaksak ang katawan ko sa malambot na kama sa kulay rosas na kuwarto ay maamoy dito ang scented candles na amoy na amoy ang totoong rosas. Ako mismo ang gumagawa ng scented candles na nasa loob ng kuwarto ko. Hindi alam ng pamilya ko na hilig kong gumawa ng mga ganito o maging ang paggawa rin ng pabango.
Nais ko sa nang gawin negosyo ito pero alam kong mahihirapan ako dahil sa pagiging madamot ko rin minsan. Ayaw ko rin kasi minsang pinaaamoy ang mga gawa ko sa ibang tao, kung minsan ay maging sa pamilya ko ay pinagdadamot ko ang mga naiinbento kong mga pabango. Kaya kahit gustuhin ko mang gawin ay hindi ko magawa dahil na rin sa ugali ko. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan na lamunin ako ng antok.
Pero hindi pa ako nakakalalim ng pagtulog ay isang mukha ang unti-unting sumisilip sa aking diwa, at ang binatang si Mr. De Asis ang nakikita ko. Naka muli akong napadilat at napabangon dahil sa hindi ko maintindihan kung bakit ito pumapasok sa isip ko ngayon. Tuluyan na akong bumangon para maligo dahil mukhang babangungutin pa ako ngayong gabi.
Kinabukasan ay tanghali na ako gumising dahil sa masama pa talaga ang katawan ko at parang matatrangkaso pa ako. Pero pababa na ako ng hagdanan ng makita ko ang isang lalaking nakatayo sa may bintana ay mukhang may hawak itong mainit na kape. Nakatalikod ito pero alam kong kilala ko pa rin ito.
Saktong nakababa na ako ng humarap ito sa akin at magadang ngiti nito ang binigay nito. Napatulala naman ako dahil sa taglay nitong kagwapuhan at masasabi kong hindi rin papahuli ang katawan nito. Mukhang tambay din ito sa gym dahil sa gandang katawan na meron ito.
At dahil sa pagkatulala ay hindi ko namalayan na nakalapit na rin ito sa akin at mababakas sa ngiti nitong nakakainsulto, napapakagat pa ito ng labi na lalong kinagandang lalaki nito. Natauhan lang ako ng binulungan ako nito na lalong nagpagalit sa buong sistema ko.
“Good morning honey! Shut your beautiful and attractive mouth first, and maybe I'll give you a good morning kiss that I know you won't say no to.” Sambit nito at saka itinikom ang aking bibig, at natatawa na itong umalis sa aking harapan at nakita kong nagtungo pa ito sa dining area. Masama naman ang naging tingin ko dito at parang gusto kong bumuga ng apoy at sunugin ko ang hayop na lalaking ito.
Ano ba naman kasi ang ginagawa nito sa bahay namin at mukhang makikialamusal pa talaga. Nagpipigil ako ng galit nang pumunta na ako ng dining area para kumain dahil sa kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. At hindi na nga ako nagkamali ng makita ko itong preskong nakaupo at katabi ni Edison ang asawang general ni Whanalyn.
Galit ko itong tinignan ang binata pero kumindat lang ito sa akin, napabunga pa ako ng hangin para ikalma ang aking sarili at saka naupo sa tabi ni Mommy ko. Ngumiti naman sa akin si Mommy at si Whanalyn pero tipid na ngiti lang din ang iginanti ko sa mga ito. Galit ako at walang makakaalis nito hangga’t hindi nawawala sa paningin ko ang lalaki ito sa aking harapan.
Kung wala lang ang pamilya ko sa hapagkainan at makakatikim ng upak ang lalaking ito, ang lakas ng loob na hawakan ako sa mismong baba ko patalaga. Gusto kong magalit dahil sa naiinis kong hinahawakan ako ng kahit na sinong lalaki.
Nagpupuyos naman ako sa galit ng tumingin dito at nakikipag-usap ito kay Edison, pero hindi ko mapigilang mapatangin sa maganda nito labi na mukhang mas mamapula pa sa labi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ito andito ngayon, pero mukhang alam ko na rin naman.
Nakikita kong kasundo ito ni Edison, at halata sa dalawa na matagal na rin itong magkakakilala kaya mas lalo akong nainis na isiping palagi kong makikita ang mokong na ito sa tuwing makakasama ko rin sila Whanalyn.
Umalis ako sa hapag pagkatapos kung kumain nag-yos na rin ako para pumasok sa office dahil sa magkakaroon ako pa ang ng mga business trip sa susunod na linggo kaya kailan ko munang ayusin ang mga trabahong maiiwan ko sa office.
Pasakay na ako sa kotse ko ng isang kamay ang humawak sa kamay kong nakahawak rin sa pintuan ng kotse. Masama ko itong tinigan pero masayang ngiti anh ibinigay nito sa akin. Nagtataka naman ako dahil sa ginawa nitong pagpigil sa akin.
"What" Mataray kong tanong di at saka inalis ang pagkakahawak nito sa akin.
"I thought you might be tired and need someone to drive you, I just want you to know that I can be your driver at any time you want." Sambit nito at nagpapacute pa ang mata nitong parang bata.
Natawa naman ako dito dahil sa halata ditong gusto nito makuha ang atensyon ko pero sorry na lang ito at wla akong panahon sa katulad nitong babaero.
"Don't worry because I'm fine, and I don't have time for a man like you so can you let me go?" Sagot ko dito at saka mabilis na sumakay ako ng kotse para umalis dahil sa naiiinis ako sa pagmumukha nito.
Nakita ko pa itong masama rin ang aura sa side mirror pero natawa lang ako dito dahil mukhang naisahan ko ito. Napaayos pa ako ng upo dahil sa tuwang nararamdaman, akala nya siguro makakaisa sya sa akin pwes nagkakamali sya hindi ako isang Patterson at De Lana para lang paglaruan nito sa kanyang mga palad.