Chapter 26 -Fristcy- Masaya ang pakiramdam ko habang papasok ng sarili kong company, nagawa kong tanggapin ang pagkakamali ni Miguel pero nasisigurado kong hind sa kanya ang pinagbubuntis ni Megan Smith na yon. Alam kong mahirap na paniwalaan ngayon pero alam kong lalabas rin ang katotohanan na hindi si Miguel ang ama ng bata, at kapag napatunayan kong tama ang hinala ko malalagot sa akin ang mag-inang Smith na yon. Ako mismo ang gagawa ng paraan para bumagsak ang mga ito sa lupa. Hindi ako natatakot sa gusto kong gawin para sa mga ito dahil alam kong wala rin sila magagawa kung sakaling ako ang kakalabanin nila. Tahimik akong tao at hindi ako basta nakikihalubilo sa laban na meron ang aking angkan pero huwag lang nila akong kakasaktan o gagawan ng hindi maganda dahil kaya ko rin pumat

