Chapter 38 -Miguel- Ilang buwan pa ang itinakbo nang kaso ng mag-ina at naging mabusisi ang mga abogadong humawak nito, hinayaan kong gawin nila ang kanilang trabaho dahil alam kong kakampi ko ang katotohanan. Hanggang sa dumating ang huling paglilitis kay Mrs. Cecillia Smith at doon ay hinatulan na makukulong ito ng habang buhay pagkakabilanggo, hindi na ito makakalaya pa at isa yon sa nagpapasaya sa akin. Samatalang si Robert, naman ay binigyan lang ng mababang parusa ng sa ganoon ay mapagbayaran nito ang pagkampi sa pinsan nitong si Megan Smith. At si Mr. Peter Smitch ay pinawalang sala dahil sa ginawa nitong pag-amin at paglalahad ng mga totoong pangyayari sa loob ng korte, naningdigan itong walang alam sa unang mga balak ng kanyang asawa kahit pa palagi silang magkasama. Sinabi ri

