Chapter 23 -Miguel- Dalawang-araw mula ng umalis si Fristcy papuntang ibang bansa ay naging busy naman ako dahil sa maraming proposal ang kailangan kong basahin at tignan kung maaari kong magamit sa aking negosyo. Gusto ko man itong puntahan doon pero hindi maaari dahil sa nangako akong palagi ko itong susuportahan sa lahat ng magiging work nito, maging sa ibang bansa. Tiwala naman ako sa aking asawa, pero sa kaibigan nitong si Robert ay wala akong tiwala. Subalit si Fristcy ang nakiusap kaya naman pinagkakatiwalaan ko itong kasama ang aking asawa, huwag lang siya gagawa ng isang bagay na hindi ko magugustuhan dahil natititak kong magagawa ko itong patayin oras na hawakan nito ang pag-aari ko. Gabi-gabi ko rin itong tinatawagan dahil gusto kong ipikit ang aking mat ana ito ang aking

