Chapter 7 -Firstcy- Nahihilo na ako at magulo na rin ang buong kuwarto ko dahil sa kakahanap ko sa bracelet na binili ko pa sa Paris ako pa mismo ang nag design non kaya naman talagang mahalaga iyon sa akin. Hanggang pumasok na si Mommy sa room at naabutan nitong magulo at makalat ang lahat ng gamit ko sa kuwarto. Naiinis pa akong namewang dahil sa hindi ko makita ang hinahanap ko, kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko magawang malaman kung saan ko naiwan o naiwala ang paborito kong bracelet. “Iha, my daughter, what happened here in your room and it looks like a typhoon passed through?” Takang tanong nito sa akin at nakasimangot na rin ito sa akin. Umiwas lang ako ng tingin dito at saka ako sumagot dito. “I'm looking for the bracelet I made in Paris. It's annoying because I c

