Chapter 34 -Fristcy- Hanggang ngayon ay masama pa rin ang aking loob na malaman ang totoo, alam kong mali ang magtanin ng sama ng loob pero hindi naman ako perpekto para hindi magalit sa isang tao at kasuklaman ito ng habang buhay. Ilang buwan hindi nagpakita sa akin si Robert, ilang beses ko rin itong tinatawag at tntext dahil sa nag-aalala na rin ako dito. Pero hindo ko sukat akalain na malalaman ko mula dito ang isang katotohanan na matagal na pala ako nitong niloloko. Inamin nito sa akin na pinsan niya si Megan at ang pagkakalapit nila noon ni Miguel at isang plano ng kanyang tiyahin at in ani Megan na si Cellia Smith. Sinabi rin niyang may ibang lalaki si Megan at baka ito raw ang naka buntis dito at hindi naman talaga si Miguel, pinagtapat din nito sa akin na hindi si Miguel ang

