Chapter 36 -Miguel- Nagpunta ako sa address na binigay ni Mr. Smith at s’ympre hindi naman ako t*ng* para pumunta dito ng mag-isa, pinaalam ko ito sa kaibigan kong si Edison ng sa ganoon ay may mangyari man sa akin ay mabilis ako nitong matutulungan. Nakita kong lumang bahay ang sinasabi ni Mr. Smith at mukha wala na ring nakatira dito, bumaba ako ng aking kotse at nagmasid sa paligid at naramdaman kong nasa paligid lang ang aking kaibigan at mga tauhan nito. Pumasok na ako sa gate na kahoy hanggang sa marating ko ang isang pintuan na luma na rin, konting hangin na nga lang ay maaari na rin itong matanggal. Hanggang sa nakapasok na ako at nakita kong nakaupo sa isang lumang bangko ang isang lalaking may edad na rin at kung hindi ako nagkakamali atf kasing edad na rin ito ng ni Mrs. Smi

