SEAN POV "Sure naman akong hindi ka niya papatayin." Paninigurado pa ni Xander na ikinatingin ko sa kanya nang masama. "Kami ang bahala," dagdag ni Phil. Umakma na kong bubuksan ang pintuan kaso kinakabahan talaga ko. Kagat labi ko 'yong binuksan at dumungaw bago tuluyang pumasok. "Cindy?" Paninigurado ko. Sabay-sabay kaming napaatras sa gulat nang buksan niya ang ilaw. Mukha siyang multo na nakatingin sa amin nang masama ngayon. 'Yong tipong hindi pa nakakapaghiganti sa pumatay sa kanya. Ang lamig din ng mga tingin niya kaya mabilis kong tinuro ang dalawa sa likuran ko. "Magpapaliwanag sila!" "Kasi, Cindy..." "Pasok." Masungit niyang utos na ikinatingin ko sa kanilang dalawa. "Pasok daw..." Pauna sa akin ni Xander. "Edi ikaw ang mauna." Pilit ko siyang tinulak pero ayaw niyang magp

