CINDY POINT OF VIEW "Kailangan nating mag-usap." Panimula ni Michael na ikinakaba ko. Hindi maalis sa isip ko na baka alam niya na. Na kaya siya nandito ay para sabihin ang nalalaman niya kay Sean. Bakit kasi ngayon pa? Bukas na ang graduation namin at kailangan ko pa ng konting oras para maayos ang bagay na 'yon. "Pwede ba, Michael? Huwag mong sirain ang gabi," sagot ni Sean habang hinaharap na siya. Napalunok lang ako nang malalim habang nakikiramdam. "Tungkol ito kay Roston. Hindi natin siya napatay." Garalgal niya pang sabi kaya nahinto na ko. Tinignan ko siya nang diretso. "Tsk, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo? Ikaw lang ang pumatay sa kanya." "Pero hindi nga siya patay!" Biglang sigaw niya na ikinahinto ng lahat. Maski ang ibang tao ngayon sa bar ni Phil napatingin din sa k

