SEAN POV "Sinusundan mo ba ko?!" sigaw niya kaya napamewang ako habang humihinto sa paglakad. "Sa'yo ba 'tong daan?!" Inis ko ring sigaw. "Tsaka, iisa lang ang bahay natin. Malamang dito rin ako dadaan," dugtong ko pa at inirapan siya. Napakataray niyang tumingin ngayon at talagang umihip pa ng bangs niya na para bang gusto niya kong ibaon ng buhay. "Cindy?" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya. Nagulat ako nang biglang magbago ang expression ng mukha niya. Ibang klase.. "Hi! Sabi na at ikaw 'yan. I've been watching you there for a while." Tumuro siya sa malayo habang nakangiting lumalapit sa asawa ko. Hindi ko maiwasang tignan siya nang masama. Para kasing hindi niya ko nakikita at basta na lang dumiretso sa harapan ni Cindy. Sino ba siya sa akala niya? Hindi niya

