CHAPTER 28

3240 Words

CINDY POV "Talaga? Bigay niya 'yan? Akala ko ba nasayo ang savings niyo?" Nakatulalang tingin ni Ella sa pinagmamayabang kong singsing. "May sarili naman siyang pera. Alam mo naman 'yon." "Ang sweet niya talaga, 'no?" Kumapit na siya sa ‘kin habang tumatawid kami papuntang mall. Balak ko kasing bilan si Sean ng kahit ano. Gusto kong bumawi sa kanya kahit papano. "Kala ko nga dati aanga anga lang siya." Natatawa kong isip. "Kaya pala ang sungit mo dati sa kanya. Naku, best. Swerte ka na sa pinili ng lolo mo para sa'yo. Ibang klase talaga siya, 'no? Kahit na wala na siya, talagang iniisip niya kung saan ka sasaya." "Hindi ko pa rin nga alam kung bakit siya ang napili ni Lolo." Huminto kami sa tapat ng bilihan ng sapatos. Inalok niya ko habang nagsusukat. "Kabibili lang naming dalawa."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD