CINDY POINT OF VIEW "Cindy?" Nanlaki ang mga mata ni John nang magtuloy-tuloy ako papasok ng sala niya. Hindi ko pinansin ang pagsunod niya at walang alinlangang sumaldak sa malaki niyang couch. "Paano ka nakapasok?" "Paanong hindi ako makakapasok? Eh, birthday ko lang naman ang lahat ng password mo," bored kong sagot. "Lasing ka ba?" "May beer ka ba?" Hindi ko pagpansin sa sinabi niya. Tumayo ako at ako na ang mismong pumunta sa kusina niya para kumuha ng beer. May nakita pa kong iba't ibang klaseng alak kaya niyakap ko 'yon at dinala sa sala para ubusin. "Oh, God, what are you planning to do with all of that?" Tinuro niya agad ang mga dinala ko at isa-isa 'yon na nilayo sa akin kaya tinignan ko agad siya nang masama. Binalik niya 'yon sa side ko at kunsumidong nagpatalo. Sumandal

