SEAN POINT OF VIEW "Bakit parang sa akin ka pa ngayon galit?" inis kong habol sa kanya na bigla na lang nag-walk out mula sa loob. "Sean naman kasi! Kailangan mo ba talagang suntukin si Phil sa harap ng maraming tao?!" Gigil niyang harap na ikinalumo ko. "Bakit parang sa kanya ka pa kampi?" "Kasi nga pumunta tayo doon para maging maayos ang lahat!" "Well, Cindy! You see? Hindi ko kaya 'yang gusto mo! Hinalikan ka niya at ang gusto mo ngayon ay makipagkaibigan pa ko sa kanya? What the fuck..." "Minumura mo ba ko?" "Hindi kita minumura. Hindi lang ako makapaniwala sa gusto mong mangyari!" "Cindy, Sean, ano bang nangyari?" Habol ni Will na ikinatigil naming dalawa. "Bakit bigla mo na lang sinuntok si Phil?" Baling niya sa akin. "Aalis na kami, Will. Pakisabi na lang kay Phil na pas

