Jacky’s P.O.V Nakauwi na kami ni Ralph sa bahay at nakita ko si Tatay na nasa labas ng bahay at mukhang inaantay ata kami. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita na malapit na mag alas nuebe ng gabi. Hinawakan ko ang kamay ni Ralph at agad kaming lumapit kay Tatay. “Tatay! Sorry napasarap ang pagkukwentuhan namin,” sabi ko. Nakita ko na tumingin siya kay Ralph bago tumingin sakin at ngumiti. “Kampante naman ako dahil may kasama kang lalaki, wag ka lang niyang dadalhin sa ibang lugar dahil ha-hunting-in ko siya!” May ngiti pero madalim ang mukha na sabi ni Tatay. Tipid na napangiti lang ako. “That won’t happen,” sabi ni Ralph kaya napatingin ako sa kaniya. Proud na proud pa ito. “I will drag her home it needed.” “Yaan, dapat ganyan!” sabi ni Tatay at pinapasok na kami ng bahay. Si Na

