Jacky's P.O.V Napagdesisyunan namin na magkaroon ng mga activities na gawin bago ang pasukan ulit. May nga kaklase ako na nagtrabaho na pagkatapos ng highschool para tumulong sa magulang or sa business ng magulang. "Jacky! Kita kits tayo sa susunod na araw! Sa Sports complex!" Sabi ng isang kaklase ko. Tumango ako. "Sige! See you!" Sabi ko at kinawayan ko sila. Napatingin ako sa langit, medyo padilim na. Napasarap ang kwentuhan namin. Nasaan nga pala si Ralph? "Jacky!" Lumapit si Miki at Gracia sakin. Ngumiti ako pagkakita ko sa kanila. Kinurot ko si Miki sa tagiliran. "Ikaw talaga Miki! Iyang bunganga mo talaga. Tinawanan lang ako ni Miki. "Why? Malay mo magkatotoo!" Sabi ni Miki at tumaas-baba ang kilay niya. Napabuntong hininga ako. "Ayoko munang bigyan ng pansin ang mga ga

