Jacky’s P.O.V Nagulat ako ng paglabas ko ng Guidance. Nakaabang na sila sa akin. Lumapit si Nanay at agad na sinipat ang buong katawan ko. “Anong nangyari anak? Okay ka lang ba?” Tanong nila sakin. Ngumiti ako at tumango. “Opo, ayos lang ako.” Napabuntong hininga si Nanay at niyakap ako. Nakita ko naman ang pagakbay ni Tatay kay Nanay. Agad na napatingin ito sa Guidance councilor na lumabas mula sa Guidance counselor room. Agad na lumapit si Tatay sa kaniya. “Bakit ang anak ko lang ang natawag guidance room?” Tanong ni Tatay sa coucilor. Napabuntong hininga ang counselor at parang nagmamataas ang tingin nito kay Tatay. “May ginawa po ang anak nyo na nag-trigger ng gulo. Isinama pa niya ang kaibigan niya sa gulo na meron siya,” paliwanag ng guidance counselor. Ako pa talaga ang may kas

