Jacky’s P.O.V “Ano Jacky?! Kamusta?” Agad na tanong ni Gracia paglapit niya sakin. Tumabi naman si Miki sa kabilang gilid ko. “Tinanong ka na ba niya?” Tanong naman ni Miki. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Kapag naalala ko ang nangyari kagabi ay nagiinit ang pisngi ko. Hindi ko akalain sa sarili ko na papaya ako. “Pumayag ako,” sagot ko sa kanila. Agad na nagsitilian sila Miki at Gracia. Kinurot ko sila sa tagiliran. Baka pumasok si Nanay at akalain na may nangyayari sa amin. “Aww! May manilligaw ulit si Jacky!” Masayang sabi ni Miki at siniko-sinko ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “At least may ookupa na ng atensyon mo,” sabi ni Gracia. Nakita ko naman ang pagtango-tango ni Miki. “True!” Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakita si Ralph na may kausap sa

