Jacky’s P.O.V Hindi ko inaasahan na mananalo ako sa contest na ‘yon. Nakaka-proud kasi e! Dahil hindi ko alam na may talent pala ako sa pagkanta. Pero hindi ko akalain na ang Judge pala ang magbibigay ng prize kaya hindi ako makangiti ng makitang palapit si Martin. Malaki ang ngiti ni Martin ng lumapit sakin pero nakita ko ang hindi ngumingiting si Maica. “Congrats. I never knew you can sing,” sabi ni Martin. Hindi ako sumagot. Kinuha ko lang yung prize at nagmamadaling umalis. “Jacky, hindi ka magpapa-picture with Martin?” Tawag ng MC. Ngumiti ako ng tipid at ngumiti. “Hindi, okay na ako,” sagot ko at lumapit ako sa pwesto kung nasaan nagaantay si Ralph at si Marian. Niyakap ako ni Marian. “Girl! Ang galing mo talaga! Biruin mo ‘yun! Saglitang practice lang ang ginawa mo!” Sabi ni M

