Jacky’s P.O.V Nasa loob na kami at kasama ang pamilya ni Martin. Ang totoo ay talagang balak nilang ipakasal kaming dalawa Martin noon. Pero ngayon na nandito na sila, kailangan ko sabihin sa kanila ang nangyari. “Ahm. ‘Tay Tonio, ‘yung tungkol kay Martin po-“ Bago pa ako matapos makapagsalita ay nagsalita na si ‘Tay Tonio. “Alam na namin, Jacky. Hindi namin alam kung anong dahilan ng paghihiwalay nyo pero sana hindi ka masyado nasaktan sa ginawa ni Martino.” Tipid na napangiti ako. “Okay naman po ako. Masaya na siya sa kung anong relasyon na meron siya,” sabi ko at pilit na ngumiti. Nakita ko ang pagseryoso ni Tatay at Nanay. Siguro alam nila na nagsisingungaling ako sa kanila. Nasa labas si Ralph dahil sabi niya ay kausapin ko muna ang magulang ko. Pagkatapos ng ilang kamustahan ay u

