Jacky's P.O.V Ilang araw na ng matapos ang concert ni Martin. Hindi pa rin umuuwi si Martin sa condo kahit na tapos na ang concert. Baka busy kasi talaga siya. Eto ako ngayon at nagma-mop ng marble floor sa company. Naging busy na rin si Sir Ralph dahil madami siyang ginagawa at palaging late na umuuwi. Minsan nauuna pa akong umuwi sa kaniya. Minsan naguusap kami pero saglitan lang. “Oh, It’s you Jacky.” Napalingon ako at nakita ko ang secretary ni Sir Ralph na si Si Sir Richard. “Magandang gabi po,” sabi ko. Ngumiti siya sakin. “Magandang gabi rin. Kamusta ang concert na pinuntahan niyo ni Sir Ralph?” Tanong niya sakin. Ngumiti ako. “Okay lang naman po,” sagot ko. Tumango siya. “Hindi ko nga akalain na pupunta siya sa concert ni Martin dahil akala ko mag galit si Sir Ralph sa kaniy

