Jacky’s P.O.V Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa bahay namin? “Ba-bakit na nandito?” Tanong ko sa kaniya. Napailing si Nanay at lumapit sakin bago niya ako hinila paupo sa upuan sa tabi ni Ralph. “Maupo ka na muna at kumain. Mamaya na kayo magusap!” Sabi ni Nanay. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Nanay. Hindi ko alam pero parang normal lang sa magulang ko na makipagusap sa kaniya na para bang walang nangyari na paghihiwalayan naming dalawa ni Ralph. “Kamusta ang trabaho, Ralph?” Tanong ni Tatay sa kaniya. Ngumiti naman si Ralph pagkatapos uminom ng kape. “It’s okay, sir. Everything is going pretty well.” Nagugulat ako sa nangyayari ngayon. Noon ganito silang dalawa pero nung naghiwalay kami ni Ralph ay galit na galit si Tatay sa kaniya kahit na sinabi ko na ak

