Jacky’s P.O.V Agad akong lumapit kay Ralph at nakita ko na hinihilot niya ‘yung kamay niya at nakita ko na namamaga ang isang paa niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko ang pagdaing niya ng hawakan ko ang kamay niya. “Okay ka lang ba?” Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at ngumiti pero tipid. Agad din niyang binawi ang kamay niya mula sakin. “Yeah, I am okay.” Nakita ko ang paginda niya sa kamay niya. Agad siyang tumayo kahit na kita ko sa mukha niya ang sakit. “Ang panalo ay si Martin!” Sabi ng Emcee. Nakita ko na napabuntong hininga si Ralph at napakamot ang ulo. Tila nahihiyang tumingin sakin. “Damn! I want you to see the other side of me but I got hurt instead,” narinig kong sabi ni Ralph. Tinulungan ko siyang makalakad papunta sa malapit na up

