Chapter 1

1527 Words
It’s been 361 days since we got married, four days na lang at first anniversary na namin. Pero my dear diary until now I can’t still feel na asawa niya ako, I dunno now until when I can bear this pain everyday that I’m with him. Dapat masaya diba? Dapat masaya din siya, pero until now I think he can’t still accept na ako pala ang napangasawa niya. Malungkot ang mukha ni Karylle habang sinusulat ito sa mumunti niyang diary. Araw araw ay hindi niya ito nakakalimutan sulatan tuwing patapos na ang araw, sanay naman na siya matulog ng late dahil ang asawa niya na si Yael ay laging gabi na kung umuwi. Kaninang umaga ang hinanda kong agahan sa kanya ay hindi man lang niya tinikman, pinagpaguran ko yun dahil alam ko na paborito niya ang daing na bangus ang hirap kaya makipaglaban sa tumatalsik na mantika, muntik pa nga akong matalsikan buti na lang at hawak ko ang shield ko ang takip ng kawali. Pagpapatuloy niya sa pagsusulat, hindi siya kumakain ng bangus pero dahil ito ang paborito na pagkain ni Yael ay kahit mahirap lutuin ito ay ginawa niya. Napabalikwas naman siya at agad na napatayo ng marinig na niya ang kotse ng asawa sa tarangkahan, agad niyang itinago ang diary sa kanyang aparador at mabilis na bumaba. Napatingin siya sa antigong orasan sa may gilid ng hagdan. Alas-onse na pala. Pagbaba sa hagdan ay meron doon na isang malaking salamin tinignan niya muna ang sarili at inayos ang nakapusod na buhok. Medyo malaki ang bahay nila ni Yael pamana ito ng magulang ng asawa sa kanila since nagiisang anak na lang si Yael na andito sa Pilipinas lahat kasi ng kapatid nito ay may kanya-kanyang pamilya na sa America. “Ya-“ hindi naipagpatuloy na ni Karylle ang pagtawag sa asawa niya dahil papasok na ito sa bahay at hindi ito nagiisa. “Baby ang laki naman ng house mo?” malanding sabi ng kasama ng asawa niya habang nililibot ang mga mata nito sa loob ng bahay nila. Para naman naging tuod si Karylle kasi hindi na siya makakilos ng makita niya ang kasama ni Yael, isang sexy na babae mahaba at tuwid na buhok na blonde at napakaikli ng suot nito, na tipong isang malakas na hangin na lang ay matatangal na ang damit nito kitang-kita ang kaluluwa nito at nakakalunod pa tignan ang malalaking dibdib nito. “Karylle pakisara na lang ang gate hindi ko na kaya pa isara, excited na kasi tong baby ko.” Nakangising sabi ni Yael sa kanya. Inayos naman ni Karylle ang salamin niya sa mata bago sinunod ang utos ng asawa. “Baby wait lang I need a water.” Narinig ni Karylle na halinghing ng babae na kasama ni Yael, nilingon niya ito at sobrang sakit sa mata ng mga pinag-gagawa ni Yael dito, hinahalikan lang naman ng asawa niya ang leeg at ang mga labi nito. “Karylle bilisan mo diyan dalhan mo kami ng maiinom sa kwarto ko.” Sigaw ni Yael. Ang sama-sama ng loob ni Karylle ngayon habang padabog na sinasara ang gate, inulit na naman ni Yael ang ginawa nito sa kanya dati. Ang magdala ng babae dito sa bahay nila. Pinahid niya ang uhog at luhang dumadaloy sa mga pisngi niya at wala sa sariling pumasok ulit sa loob ng bahay, habang ang dalawa ay nasa hagdan na at patuloy pa din ang paghaharutan. Wala na ang polo na suot ni Yael sa katawan nito nakita niyang hawak ito ng babae at ilang saglit lang ay itinapon ito ng babae sa mismong harapan niya. “Yaya pakilagay na sa labahan yan.” Sigaw ng babaita at sabay tawanan ng dalawa. Lalong nasaktan si Karylle sa tinuran nila. Dinampot niya ang polo ng asawa at mahigpit na hinawakan ito, nanginginig na siya sa galit. "Bakit hindi mo akong magawang respetuhin. Kahit kaunti man lang? Asawa mo ako hindi ako estatwa dito sa bahay mo na walang pakiramdam? Bakit hindi mo magawa na maawa sa akin, patuloy mo akong sinasaktan?" mahinang sambit niya. Inis na inis at pinagdiskitahan niya ang polo ng asawa, pumunta siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo. "Kung hindi lang kita mahal, ang saging mo ang gagawin kong luray-luray ngayon. Pasalamat ka Yaelito at mahal pa kita." Kinakausap nito ang sinisirang polo ng asawa. "Gagawin kitang giniling na polo. Sasahugan kita bukas ng tomato sauce at hotdog. Bwiset! Bwiset! Bwiset!" Naudlot ang pag-gawa niya ng giniling na polo ng sumigaw ulit si Yael. “Asan na yung tubig?” “Andyan na.” pasigaw na sagot niya. Agad na kumuha siya ng tubig at dahil sobrang sama pa din ng loob niya ay nilagyan niya ng madaming asin ang isang pitsel ng tubig at hinalo ito para mas lalong umalat. "Mawalan na sana ng kidney yang babaita na yan!" Dahan-dahan siyang umakyat sa kwarto ni Yael, oo kwarto lang ni Yael! Dahil kahit simula pa lang ay hindi na sila nagtabi, bilang lang ang araw na nakasama niya ang sariling asawa sa iisang kama pag dinadalaw sila ng lolo at lola nito pero ang iba’t ibang babae ay daig pa siya. “Eto na ang tubig niyo” bulong niya at kumatok ng isang beses sa pintuan ng kwarto ni Yael. Agad naman lumabas si Yael na nakaboxer shorts na lang. Hindi naiwasan ni Karylle ang maiyak, kahit anong pilit niya sa sarili niya itanggi ang nangyayari ay kailangan niyang tanggapin na paboritong pastime ng asawa niya ang saktan ang puso at damdamin niya. “Yael, wag mo naman na gawin sa akin ‘to. Ang sakit-sakit na kasi sobra” Aktong yayakapin niya si Yael pero bigla nitong sinara ang pintuan at napasubsob ang bibig niya dito. “Ano ba yang yaya mo sa dagat yata kumuha ng tubig yan” sigaw ng sigaw ang babae malamang ay nakainom na ito ng tubig na bigay niya. Aalis na sana siya at magmukmok na lang sa kwarto niya pero agad lumabas si Yael at ikinagulat niya paghawak ng mahigpit ni Yael sa braso niya at hinila siya nito. “Wala kang galang sa bisita ko ah” galit na galit ang tono ng boses nito. Padabog na humarap si Karylle kay Yael. “Bakit ako, ginagalang mo ba ako? Tignan mo ginagawa mo sa sarili mong asawa? Napakababoy mo!” hindi na napigilan ni Karylle ang bugso ng damdamin niya kung dati ay tahimik lang siyang nasasaktan pero ngayon hindi na niya kaya. Masyado ng wasak at durog ang puso niya. Nagmahal lang naman siya diba? Pero bakit kailangan mapait ang pakiramdam diba dapat matamis? “Sumasagot ka na ngayon? Sa tingin mo ba na masaya ako at ikaw ang nagdadala ng pangalan ko?” namilog ang dalawang mata ni Karylle sa narinig. Lalong nanakit ang dibdib niya sa sinabi ng asawa niya. “Ni minsan ay hindi ko ginusto ang makasal sayo? At ni minsan ay hinding-hindi ko matatangap! Na ikaw ang babaeng makikita ko sa araw-araw na ginawa ng diyos. Nasusuya ako sayo, nandidiri. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!” hingal na hingal na sabi nito sa pagmumukha ni Karylle. Amoy na amoy ang tapang ng alak sa hininga nito. Hinawakan naman ni Karylle ang dibdib niya pakiramdam niya kasi ay lumabas na ang puso niya sa katawan niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa mga naririnig niya. Unang beses siyang sinabihan ni Yael ng mga ganito, all this time pala ito ang nararamdaman ng asawa niya sa kanya. Mas masakit pala pag galing na talaga sa bibig ng tao pa na sobrang mahal mo. “Kasalanan ba ang mahalin ka. Yael?” humihikbing tanong ni Karylle. Napasuntok naman si Yael sa pader at tiim bagang siyang tinitigan nito. “OO! Dahil sa punyetang pagmamahal mo sa akin kaya kita kinamumuhian!” Napakagat naman sa labi niya si Karylle. Sobra-sobrang sakripisyo na ang ginawa niya pero ganon lang pala siya sa asawa niya. Hindi na siya nakasagot pa, unti-unting napaluhod na lang siya sa sobrang panlulumo sa mga masasakit na salita ni Yael sa kanya. “Ngayong gabi na ito, gusto ko kamuhian mo na din ako. Gusto ko ito na ang huling araw na makikita pa kita sa pamamahay ko! Tigilan mo na yang punyentang pagmamahal mo sa akin.” agad naman na kinuha ni Yael ang kamay nito at buong lakas ng pinatayo si Karylle at kinaladkad papasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng kasama nito. “Baby you're so tagal.” Malanding bungad nito. Nilock ni Yael ang pinto at patapon na hinagis si Karylle sa couch. “Excited na ba ang baby ko? Is it okay that my she will watch us?” nakangising turo ni Yael kay Karylle. Iniayos ni Karylle ang sarili at hinimas-himas ang likod na masakit tumama kasi ang likod niya sa kanto ng sofa. Iniangat niya ang dalawang paa at walang tigil pa din ang pag-iyak habang nakalumbaba sa dalawang tuhod niya. Malabo na ang paningin niya at pati ang eyeglasses niya ay basa-basa na ng mga luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD