Lauren’s POV
Hindi naman sa umaarte ako pero parang ganoon na nga. Kaya naman pala malakas ang loob ni Ezekiel na sabihin kanina na magkikita ulit kami ay dahil saglit lang ang trabaho niya kanina. Ano pa nga ba? Sino pa ba ang matapang na mag-iimbita kay Ezekiel na hindi ko magawang awayin? Si Grandpa lang naman! Mayroon pa bang iba? Narinig ko na katatapos lang ng trabaho nila at kaagad naman siyang dumiretso sa kuwarto namin, inimbita rin siya ni Grandpa dahil narinig ko na wala rin itong kasama sa kuwarto niya.
Hindi ako nakikinig, malakas lang talaga silang mag-usap at alam ko na gusto nila iyon iparinig sa akin kaya hindi ko lang sila binigo. Sayang naman ang effort nila sa paglalakas ng boses nila kung hindi ko papansinin.
Napa-isip naman ako noong sinabi niya na walang kasama? Walang kasama? Ano kaya ang tawag niya kay Avery?
Geez, umiinit na naman ang ulo ko kapag naiisip ko siya! Hindi na ako nawalan ng karibal kay Ezekiel. Hindi ko naman sinasabi na karibal ko pa rin si Avery ngayon dahil hiwalay naman kami ni Ezekiel. Oh, crap, why am I always defending myself from myself? Mukhang nababaliw na talaga ako!
Nandito kami sa kuwarto at noong dumating si Ezekiel ay naglalaro ang mga lalaki habang ako naman at si Mommy Pia ay nakaupo kanina pero tumayo siya para mahanda ng miryenda para sa amin.
Hindi ko maiwasan na tingnan si Jace habang naglalaro sila nina Ezekiel, Daddy, Kuya Angelo at Grandpa. Nakahahawa talaga ang halakhak ng isang ito habang kinikiliti ni Kuya Angelo. Napansin ko lang na nakangiti ako noong nilingon ako ni Ezekiel habang nakangiti rin siya kaya ipinapagpatuloy ko ang ginagawa sa harap ng laptop para lang maka-iwas sa tingin na iyon.
Masama bang ngumiti? Akala ko pa naman ay mag-e-enjoy ako rito pero mas mukhang stress ako sa nagiging sitwasiyon at sa paulit-ulit na pagkikita naming dalawa. Akala ko ba ay busy siya? Marami namang lugar at hotel pero nagkita na naman kami. Pinagtagpo ng tadhana. Again, I didn’t mean it in a romantic way!
Wow, naalala ko na ganoon din ang sinabi ko noong nagkita kami sa playground dahil sa pagkakasunod-sunod ng pagkikita namin. Bakit naman iyon pa pumasok sa isip ko ngayon? Matagal na panahon na iyon kaya dapat ay nakalimutan ko na iyon!
Dahil sa naalala ko ay naalala ko rin na palagi niya akong ginagamit sa mga babae niya noong nasa kolehiyo kami para lang layuan siya ng mga ito. Ako pa ang nagiging panakot niya noon. Ganoon siguro talaga, panakot niya ako sa iba pero hindi siya takot sa akin kaya balewala na nawala ako sa kanya.
I guess, I’m crazy. Hindi ko na iyon dapat naaalala! Paulit-ulit na ako, ah!
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang tumayo, nataranta naman ako noong nakita ko siya. Akala ko ay lalapitan niya ako pero may napalayo lang pala silang gamit sa nilalaro nila at kailangan niya iyong kuhanin. Nagpatuloy ang pagkataranta ko noong hinagis niya ang isa pang laruan kay Kuya Angelo na hindi nito nasapo kaya nagsimula siyang maglakad papunta sa direksiyon ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko pero hindi ko naman siya kaagad pinansin.
“Lauren,” he called. I was about to answer without bothering to look at him when I heard my phone ringing. Pagkakataon ko na iyon maka-iwas kaya naman sinagot ko kaagad. Si Nate pala ang tumatawag, naka-video call pa talaga siya. Tiningan ko nga ang oras, madaling araw sa Canada kaya naman bakit siya gising at tatawag sa akin ng ganoong oras?
“Ano ang problema?” Narinig ko ang tawa niya dahil hindi na naman daw uso sa akin ang mag-hello kapag sinasagot ang tawag. Napatingin ako kay Ezekiel noong nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Agree yata siya sa sinabi ni Nate. Hinayaan ko lang na naka-loud speaker para naririnig din ni Grandpa at ipakakausap ko naman sa kanya mamaya.
“Ano nga ang problema mo? Madaling araw na riyan pero gising ka pa, ah? Hindi ka naman nahihirapan matulog. What’s the matter?” Mukhang paulit-ulit na ang tanong ko sa kanya. Halata rin sa itsura niya na inaantok na pero ayaw pang matulog at gusto pa yata niya na mang-asar bago matulog.
“Hello, Nate? Magtititigan lang ba tayo rito? Tell me, what’s the problem? Kanina pa ako nagtatanong, bakit ayaw mo—”
“I missed you.” Napahinto ako sa sinabi niya at hindi ko maintindihan kung bakit napatingin ako kay Ezekiel. Nakita ko naman ang mga kasama namin sa kuwarto na napalingon sa akin kaya nag-init ang mukha ko sa hiya.
“Nate,” I warned, alam niyang nahihiya ako kapag ganoon. Mukhang naka-inom siya pero halata naman na hindi ito lasing. Kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakikita na sobrang nagpakalasing dahil idinadahilan niya sa akin na kasama niya ako at kailangan naming makauwi nang ligtas. Yes, he is such a gentleman.
“What? Nahihiya ka na naman. Don’t worry, wala naman diyan ang ex-boyfriend mo para marinig niyang miss na kita. Kahit nandiyan naman siya ay kaya ko pa rin sabihin na miss na kita, Renren. I miss you!” I tried my best to stop him from talking without saying it but he is too eager to tell me that he misses me that much. Hay naku, wala na . . . narinig na nilang lahat. Mas lalong nagka-ilangan dahil nasa tabi ko si Ezekiel habang sinasabi niya ang lahat ng iyon. Halos hindi na nga alam ni Ezekiel kung saan siya titingin sa sobrang pagka-ilang.
“Nate, shut up . . . he’s here. He can clearly hear you.”
“What?”
“Nandito ang ex-boyfriend na tinutukoy mo. Matulog ka na nga. See you soon,” sabi ko pa sa kanya sabay end ng video call. Nag-message na lang ako sa kanya para mas malinawan siya na narinig siya ng ex-boyfriend kong si Ezekiel. Pambihira talaga!
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming lahat dahil sa mga sinabi ni Nate. Baka isipin pa nila na ikinu-kuwento ko si Ezekiel kay Nate. Well, may katotohanan iyon pero ayaw kong bigyan nila iyon ng kahulugan. Palagi naman kaming nag-uusap, siguro nga ay namimiss lang niya ako dahil wala na ang nanggugulo sa kanya sa Canada.
Napalingon ako kay Ezekiel.
“Hmm, may . . . may sasabihin ka ba sa akin?” pagtatanong ko pa dahil tinawag niya ako bago tumawag si Nate.
“Ah, oo . . . I just want to apologize. Hindi ko talaga sinasadya na masira ang camera na ibinigay ni Grandma.” May iniabot siya sa akin. “Alam ko na hindi ganiyan ang ibinigay ni Grandma, hindi ko na mapapalitan at hindi ko na maibabalik sa dati ang camera na iyon kaya sana ay tanggapin mo ang kapalit na iyan. Sorry, alam ko naman kung paano ka magpahalaga sa mga ibinibigay sa iyo kaya alam ko kung gaano iyon ka-importante at nagkataon pa na nasira ko iyon dahil hindi ako naging maingat.”
Okay? As far as I know, we are talking about the camera but why am I thinking about the other things that he should be sorry for?
Napatingin nga rin ako sa kanya. He is actually having a speech right now. Hindi naman siya madaldal. Tinignan ko ang ibinigay niya sa akin, pa-sikreto akong umirap.
“I can’t accept that, Ezekiel. It’s okay, I don’t need a new one.”
Hindi na ako tumingin sa kanya habang sinasabi ko iyon dahil makikita lang niya kung paano ko siya irapan. Ayaw ko na talaga na mapalapit sa kanya dahil ayaw kong lumambot na naman ang puso ko sa kanya. Ayaw kong hayaan siya na ibaba na naman ang pader na muli kong ihinarang para protekatahan ang sarili ko.
Nagtaka pa ako na hindi pa siya kaagad umaalis.
“Lauren, alam ko na ayaw mong nandito ako. Hmm . . . pinagbigyan ko lang si Grandpa ngayon, hindi naman niya nabanggit na magkakasama kayong lahat sa kuwarto kaya akala ko ay siya lang ang makikita ko sa kuwarto na ito.” Sabi na nga ba, nag-uusap pa rin sila ni Grandpa kaya hindi ako kinukulit ni Grandpa kung ano ang balita kay Ezekiel.
Sana lahat ay nabibigyan niya ng oras para magkaroon pa rin ng komunikasiyon sa isa’t-isa.
I stopped him. “It’s okay. You don’t need to explain, Ezekiel.” End of conversation.
Akala ko nga ay aalis na siya pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Geez. Hindi na ba siya marunong makaramdam na ayaw ko na rin siyang kausap ngayon?
Ayaw ko na siyang makita at maka-usap pa. Masyadong masakit ang mga pinagdaanan at nangyari sa amin noon kaya gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pagtataboy sa akin para sa kasikatan na mayroon siya ngayon. Kung tutuusin ay hindi ko naman siya pinipigilan sa pangarap niya pero ganoon daw ang nararamdaman niya kahit kapakanan naman niya ang iniisip ko. Sabihin na natin na sumobra nga ako . . . sapat na ba iyon na dahilan para basta na lang niya akong ipagtabuyan at iwanan? Naging makatarungan ba ang pag-iwan na ginawa niya?
See? This is exactly the reason why I don’t want him around. Every pain I felt is just coming back as if one year did not elapse.
Kung gusto naman siyang makita ni Grandpa ay hindi ko naman sila pipigilan pero hindi naman niya ako kailangang lapitan para kausapin. Hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng pamilya ko na parang siya ang dating Ezekiel na nakilala at minahal. Alam ko naman kung gaano niya kaayaw na nasa paligid ako lalo na kapag maraming tao at camera na nakaharap sa kanya.
Gosh . . . why am I still feeling the pain?
Matagal ko na itong hindi iniisip at naramdaman dahil sa patong-patong at mas importanteng bagay na kailangang pagtuunan ng pansin.
Tumingin ako sa kanya at nagtanong ng, “May sasabihin ka pa ba?” Halata naman na pinaaalis ko na siya sa tabi ko. Ganito na ba siya kamanhid?
“Hmm . . . wala na. Mukhang ayaw mo naman akong kausap kaya babalik na ako sa kanila.”
I smirked. “You’re right. I don’t see paparazzi inside the room so you don’t need to pretend.”
He smirked too. “Do you think I’m pretending?” he asked.
“Yes,” I answered, looking at him. “Go play with Jace or talk to Grandpa.”
Sa halip na umalis ay ngumiti pa siya. Nang-aasar ba talaga siya? Para saan naman iyon? Baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap namin na ito.
“I guess they are right about you. You’ve changed.”
No, Ezekiel. I’m still the same Lauren you knew from the very first time we met. Let’s just say that I can control my feelings and reactions when it comes to people who can read my actions and you are one of them.
I’m building this wall again and I don’t want you to break it. You managed to break the wall I created before but I didn’t know that you are also going to break my heart. How I wish that you break that wall to protect my heart but it didn’t happened the way I imagined it.
I want to answer him with that but I can’t.
Kaya ayaw ko na nakikita siya kasi naaalala ko lang kung ano ang nangyari sa amin. Napatawad ko naman siya noon sa nagawa niya lalo na noong pinagsabay niya kami ni Ivy. Akala ko ay sapat na iyon para hindi niya ulitin ang p*******t sa akin. Natanggap ko naman na lahat ng mga pinadaanan namin noon. Hindi naman ako magiging matapang kung hindi ko pinagdaanan ang lahat ng iyon.
Pero iyong nangyari sa amin . . . bakit masyadong maliit ang mundo? Kaya ko naman tanggapin kung ibang babae iyon pero . . . si Avery? Bakit kailangang si Avery pa? Alam niyang matindi ang pagseselos ko kay Avery . . . sana ibang babae na lang . . . sana hindi na lang si Avery dahil hindi ko kinakaya na nakikita ko sila.
“What do you mean by that?” I asked to erase what I’m thinking right now. Hindi niya puwedeng mahalata na naaapektuhan ako sa kanya.
“Napansin lang nila ang pagbabago mo.”
“Masama na bang magbago? Lahat naman tayo ay nagbabago, hindi ba? I’m sure you understand what I’m saying.” Siya ang unang nagbago sa aming dalawa.