Ezekiel's POV
We had a photo shoot in Tagaytay so I ended up staying in Dan’s house. Dito rin naman sila nag-stay ni Kelly noong nanganak na ito. Nalilibang ang kaibigan ko sa pagbabantay sa anak niyang si Elly na wala pang isang taon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may sarili na siyang pamilya. I can’t actually blame him, maging kami ni Angelo ay hindi rin naman makapaniwala. That’s life, always expect for the worse and unexpected events in your life in order to appreciate the real outcome. Yes, expect the unexpected. At least, hindi ka sobrang masasaktan kapag worse scenario ang inasahan mo. Masasaktan pero hindi sobra-sobra. Mas mabuti nalang din siguro kung hindi ka aasa para hindi ka nalang din masaktan.
Damn. Why am I thinking these things again?
May hotel na inihanda sa amin para mag-stay pagkatapos ng photo shoot and it happened to be one of Dan’s family owned hotel kaya nalaman niyang nandito ako at tinawagan ako para sabihin na sa bahay na lang nila ako mag-stay, pinayagan naman ako ng handler kong si Mama Mia dahil alam naman niyang ayaw kong dumidikit sa akin si Avery. Hindi niya ako pinatatahimik kapag malapit ang room namin sa isa’t-isa. She is beautiful but I hate seeing my name on internet saying I’ve dated every girl on this industry. Wala naman iyong katotohanan! Wala namang masama kung makita na palagi kaming magkasama dahil parehas naman kaming single, ang ayaw ko lang ay halos ayaw na niyang humiwalay sa akin na hanggang hotel room ko ay pabalik-balik na siya. Ayaw kong isipin ng ibang tao na mababang uri siya ng babae kagaya ng pinalalabas nila dahil sa mga article na iyon. Marami na kaming pinagsamahan at ayaw ko na mapahamak siya dahil sa akin kaya hangga’t maaari ay ako na ang dumidistansiya.
“Kumusta si Mama Mia? Balita ko ay sobrang sakit na ng ulo niya dahil sa iyo.” Kilala ni Dan si Mama Mia dahil siya ang nagpakilala sa akin, he is part of LGBT Community at matagal ko na rin siyang kasama kaya maayos naman ang samahan naming dalawa. Mas mabuti nga na kilala siya ni Dan dahil alam naming mapagkakatiwalaan siya. Alam din niyang umiiwas ako sa issue dahil ang hirap ipaliwanag sa mga reporter kapag palaging tungkol sa issue ang tanong ng mga ito, kung minsan nga ay mas marami pa silang tanong tungkol sa issue kaysa sa project namin at nakahihiya iyon.
“Okay naman. Mas sumasakit ang ulo ko sa kanya,” pagbibiro ko pa.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nina Dan habang nakatambay. Malamig ang simoy ng hangin sa Tagaytay kahit na Marso palang naman, hindi naman yata umiinit dito kagaya ng init na nararamdaman sa Manila kapag ganitong buwan. Minsan na lang kami magkita dahil minsan na lang din naman ako magkaroon ng ganitong oras, siya rin naman ay busy sa pamilya at trabaho pero kapag may pagkakataon naman ay nagkikita-kita kami.
Binigyan niya ako ng isang bote ng alak, tumatanggi pa nga ako pero nagpa-awa effect siya kaya kinilabutan ako at kaagad iyong kinuha. Mukhang nagkahawahan na sila ni Angelo, siya kasi ang mahilig mag-abot ng alak sa akin sa tuwing nagkikita kami. Kaya na rin namin ma-control ang pag-inom ng alak. Kumbaga ay occasionally na lang ang pagtodo namin sa inuman, ganoon yata kapag marami na ang responsibilidad.
“Alam mo na ba?” pagtatanong niya. Naghihintay ako ng kasunod na sasabihin pero wala naman siyang sinabi. Napalingon kami sa paglabas ni Kelly na kaagad naman akong binati pagkatapos ay tumabi siya kay Dan para sumandal, mukhang napagod sa pag-aalaga kay Elly. Ayaw naman niyang kumuha ng mag-aalaga kay Elly kaya tinutulungan na lang din ni Dan.
“Ang alin ba, Dan?” pagtatanong ko pa noong naalala ko ang tanong niya.
“Bukas na ang pagbabalik ni Renren, ah,” he answered.
Halos mabulunan ako noong narinig ko ang sinabi niya. Alam ko naman na babalik na si Lauren pero nakalimutan ko na bukas na pala iyon. Hindi ko maaalala kung hindi pa niya binanggit sa akin ngayon. I have no news about her except for the news shared by Angelo and some of our friends. She blocked me. Meaning to say, she has no plans on talking to me or even communicating with me after our break-up.
Inayos ko ang sarili ko dahil parehas silang napatingin sa reaksiyon ko. Nabigla lang naman ako pero wala naman iyong ibang ibig sabihin.
“Yes,” I calmly answered. Iyon na lang ang isinagot ko, marami sana akong gustong itanong sa kanila pero hindi ko na lang itinuloy. Hindi naman ako sigurado kung gusto ko rin malaman ang sagot sa mga tanong ko.
Naka-isang taon na pala siya sa Canada, isang taon na rin kaming hindi nag-uusap. Mukhang totoo nga na imposibleng maging magkaibigan ang mag-ex. Siya na rin naman ang nag-desisyon na itigil na namin ang pag-uusap, pumayag lang ako dahil iyon ang gusto niya. Wala naman akong magagawa kung ayaw na niya akong maging kaibigan. Hindi ko naman siya masisisi dahil masama ang loob niya noong naghiwalay kami.
Hindi ko naman pinagsisisihan na nakilala ko siya. Hindi man maganda ang pinagdaanan ng relasyon namin, marami naman kaming natutunan sa isa’t-isa at itinuro niya sa akin na iyon ang mahalaga . . . na may natutunan kami mula sa karanasan na iyon.
Damn. I get emotional by just talking about her!
Nakatingin pa sila sa aking dalawa na parang naghihintay ng sagot. “And?” I continued.
Naalala ko na sumabay lang siya kay Grandpa noon para magbakasyon, kahihiwalay lang namin noon at siniguro naman sa akin ni Angelo na hindi ako ang dahilan ng pag-alis ni Lauren dahil matagal na iyong naka-plano. Pero siniguro rin naman sa akin ni Angelo na isa ako sa mga dahilan kung bakit hindi kaagad bumalik si Lauren sa Pilipinas. Isa sa mga dahilan, ibig sabihin ay marami na naman siyang iniiwasan kaya lumalayo na naman. She’s still the same but we respect if the only escape she knew is to be far from us.
“Wala naman. Ang totoo niyan ay ipinaalala ko lang sa iyo na dapat tayong magpunta sa bahay nila bukas ng gabi. Hindi mo naman siguro iyon nakalimutan ’no? Kailangan ko pa bang tawagan si Mama Mia para siguraduhin na clear ang schedule mo? Sigurado naman ako na miss ka na rin ni Grandpa.” Nakangiti siya noong sinabi iyon kaya hindi ko alam kung si Grandpa ba talaga ang tinutukoy niya.
“Okay,” sagot ko na lang para end of conversation na kaagad. Nagkatinginan naman silang mag-asawa pero hindi na ulit nila binanggit si Lauren. Napapansin ko na rin naman ang hindi pagkibo ni Kelly sa tuwing pinag-uusapan namin ang kaibigan niya. Simula noong naghiwalay ULIT kami ay hindi na kami binibiro ng mga kaibigan namin tungkol sa MULING pagbabalikan.
Maging si Kianna ay tahimik na rin at hindi na ako kinukulit tungkol kay Lauren, hindi ko rin alam kung nag-uusap pa sila at ayaw ko rin naman iyong malaman pa.
Maging sila siguro ay napagod na sa aming dalawa. Honestly, nakapapagod naman talaga kung paulit-ulit na lang iyong nangyayari sa amin pagkatapos ay parang wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko. Dumating kami sa punto na palaging ang nararamdaman na lang niya ang iniintindi niya, hindi ko naman masasabing toxic ang naging relasyon namin pero mapapagod ka talaga kapag paulit-ulit na lang. Inaamin ko naman na toxic ang una naming naging relasyon dahil gagong-gago pa ako sa pagkakaroon ng ibang babae, siguro magiging iba ang sitwasyon namin kung una pa lang ay nagpakatino na ako.
Nagsimula sa okay lang kung hindi na nagagawang mag-kumustahan hanggang sa hindi na madalas na nagtatawagan at nag-uusap, hindi na rin nagkikita nang madalas, hindi na lumalabas para mag-date, hindi na masaya . . . hanggang sa . . . hindi na kami.
Don’t get me wrong. I treasured every moment with her and she has a special place in my heart. Hindi na iyon magbabago. Sadyang may mga bagay lang talaga na hindi nako-kontrol at hindi inaasahan na mangyari. May kanya-kanyang buhay na rin naman kami.
Nagising na lang ako isang araw na ayaw ko na nasa ganoong sitwasyon pa rin kaming dalawa. Hindi na kami nag-grow nang magkasama at naramdaman namin na nawawala na ang spark and understanding namin para sa isa’t-isa kaya dumadalas ang pag-aaway. Hindi away na parang aso't-pusa dahil natural naman iyon sa amin, totoong away na umaabot sa pagkakaroon ng sama ng loob sa isa't-isa.
Sinipa ako ni Dan kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya. Ayaw ko na rin maalala ang mga araw na iyon. Parehas lang naman kaming nasaktan pero sa akin lang niya isisisi ang lahat.
“Ano?” pagtatanong ko pa.
Biglang kinuha ni Kelly ang cell phone niya na nasa bulsa dahil tumatawag daw si Lauren. Kapag minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa siya napatawag?
“Renren, akala ko ngayon ang flight niyo?” pagtatanong ni Kelly. Ipinapakita pa ni Kelly si Dan kaya kumaway naman si Dan at noong nakatingin sila sa akin ay umiling ako para hindi na ako ipakita sa kanya. Sigurado naman ako na ayaw rin niya akong makita.
“Yes, I’m with Grandpa. Nandito na kami sa airport, tumawag lang naman ako para makita si Elly pero mukhang nasa labas kayo. I’m excited to see that baby boy!” She still loves babies and children. Halata sa boses niya ang pang-gigigil sa pagbanggit sa pangalan ni Elly. Her voice . . . ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. May kung anong naramdaman ang puso ko noong narinig ko ang boses na iyon.
“By the way, sino ang kausap ni Grandpa? He looks like a Filipino.” Hindi naman sa nakikinig ako pero parang ganoon na nga. Naiilang lang ako na tumitingin na naman sa akin ang mag-asawa.
“Ah, si Nate, busy silang mag-usap about business kaya hindi na ako sumali. Na-kuwento ko na siya sa iyo, Kelly. Siya iyon.” Nate? Lalaki ba iyon? Bakit nila pinag-uusapan ni Kelly? I’m just curious.
Nakita kong lumawak ang ngiti ni Kelly. “Siya iyon? Ang guwapo naman pala, when can I meet him? Hindi mo ba siya kasama na babalik sa Pilipinas?”
Nagpaalam ako kay Dan na pupunta sa rest room. Naiilang ako sa kanila na kada tanong kay Lauren ay tinitingnan ako. Siguro ay baka may masabi si Lauren o baka mabanggit niya ako kaya nag-iingat sila . . . o baka ako talaga ang nag-iingat na hindi niya makita.
Nang makabalik naman ako ay wala nang kausap ni Kelly kaya nagtanong na naman si Dan tungkol sa pagpunta ko sa bahay nina Angelo.
“Sinabi ko naman kay Angelo na susubukan ko pero hindi ako nangako sa kanya.”
“Susubukan mo ba talagang pumunta o susubukang umiwas?”
Napa-iling ako sa sinabi niya. “I’m busy,” simpleng sagot ko sa kanya.
He smiled and winked. Kadiri talaga itong si Dan. “Sabi mo, eh.”
But the truth is . . . I have no plans to go there and welcome Lauren for coming back.
Para saan pa?