Chapter 19°

1364 Words

Third Person's POV Sa isang malaking bahay na may malawak na bakuran itinigil ni Grey ang kanyang sasakyan. Umabot ng halos tatlong oras ang kanilang naging biyahe. Mangilan-ngilan lang ang mga bahay sa lugar na iyon at malalayo pa ang pagitan. Pagpasok mo ng gate ay gugol ka pa ng mahigit limang minuto bago makarating sa mismong bahay kung iyong lalakarin. Marami kang madaraanan na malalago at magagandang halaman. Nasa pinaka sentro ang napakagandang bahay nila Grey na Tudor-Style Homes inspired. "Kaninong bahay ito?" tanong ni Zaida nang makababa ng sasakyan at inilibot ang mga mata sa paligid. "Sa amin, this is our resthouse," matipid na sagot ng binata, hinawakan nito ang kamay ni Zaida at hinatak ito papalapit sa malaking bahay. Walang nagawa si Zaida kung hindi ang sumunod dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD