Chapter 11: Pagtitig

2091 Words
PATRICE FLORES VILLAFUERTE Expect the unexpected nga naman. Hindi ko mawari kung ba't ganito ang nararamdaman ko towards her. She's not even my type?! Why?! Malalim na ang gabi, narito ako sa Bar. Maingay, malakas ang tugtog at beat ng kanta. Madaming sumasayaw sa dance floor. Narito ako sa bar counter, umiinom magisa, ayoko muna ng ibang tao. I wanna be alone. I want to figure it out kung ano ang ginawa sa'king pang gagayuma ng babaeng iyon. Nilalagok ang matapang na whiskey sa aking lalamunan, dinadama ang bawat pait na aking natitikman mula rito. Ibababa ang baso, saka ito hahaluin. Madaming nagtatangkang lumapit sa'kin at makipagusap ngunit hindi ko sila magawang pansinin. What? Pat? Ganyan ka nalang? Magmumukmok dahil sa babaeng hindi ka naman pinapansin at mukhang hindi naman interesado sayo?! Get up here and get a girl! Ganoon naman ang usual mong ginagawa diba?! "SHUT UP!" napasigaw ako at halos mapatayo ako sa inis. Para akong baliw na pinagtitinginan ng mga tao, halos lahat sila napatigil sa ginawa kong pagsigaw. Gahd. You really insane Pat. Bumalik sa party ang mga tao at ako? Nawala nanaman ako sa sarili ko. Napahawak nalang ako sa sintido ko, balisa ako at ayaw ko ng istorbo. Dadamputin ko na sana ang baso ko ng may humawak sa kamay ko. And it was Her. Tumitig lang siya sa'kin. Napaka seryosong tingin. Walang gustong kumibo samin. Tuwing nagtitigan kami ng ganito, nanginginig ang kalamnan ko kasabay noon ang kilig na hindi alintana na nararamdaman ko sa pagkatao ko. She's really very attractive to me. Never ko pang naramdaman ang attaction na ito sa ibang babae at lalaki na nakikilala ko. Sa kanya lang. Nilapit niya ang mukha niya, sapat iyon upang manlaki ang mata ko sa ginagawa niyabg pagtitig sa'kin. "Patrice, sabihin mo sa'kin. Bakit ka lumalayo?" sabi niya. Parang bumalik sa'kin ang ginawa ko sa kanya sa CR sa restaurant nung nakaraan. Ako naman ang di mapakali, para akong na freeze sa kinauupuan ko. "L-lumayo ka sa'kin, Sam." sabi ko. Hindi naman niya ako binigo at lumayo siya ng bahagya sa'kin. Whooo. Para akong nabunutan ng tinik. "Why are you here?" sabi ko sa kanya habang nakatitig doon sa bote ng whiskey. "Hinahanap kasi kita." sabi niya naman na ikinakaba ko. Yung kaba na parang excited ako sa narinig at gusto kong ipaulit sa kanya. "Ano? Hinahanap mo ko? For?" sabi ko, binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. Aminin mo, kinilig ka don. Amm? Slight? Hihi. "Hinahanap ko yung kasagutan sa utak ko, gusto kong itanong sayo, kung bakit ako nagkaganito sayo." seryosong titig ang binigay niya sa'kin. Di ko man maamin sa sarili ko pero naaakit ako sa mga titig niyang iyon. "Why me? Why don't you figure it out yourself?" sabi ko. Iinom pa sana ako ng alak pero aktong pinigilan niya ako. "Bitawan mo ko." maotoridad na sabi ko. Pero hindi niya ako pinakinggan. "Ayoko, iuuwi na kita sa Condo unit mo." Hay! Kaya nga andito ako sa bar para hindi ko maisip ang mga bagay na ito?! Lalo na ang taong to! "Stop, pat. Umuwi na tayo." sabi niya. Seryoso siya at parang walang planong bitawan ako. "No way! Kaya ko na---" naputol ang sasabihin ko ng may sumabat sa amin. Grupo ng mga lalaki. "May problema ba dito?" sabi nito. "Miss, bitawan mo na siya. Pwede?" sabi nung lalaking gwapo. Oo, gwapo pero wala akong paki. "Sino ka?" mataray na tanong ni Sam. Hindi ko akalain na sobrang maldita pala nito kesa sa'kin. "Kilala ka ba niya? Para pagbawalan akong hawakan siya? Boyfriend ka ba niya?" dugtong niya. "Ang yabang mo naman. Sino ka ba? Bitawan mo na siya." sabi nung lalaki saka hinawakan ang kamay ni Sam na nakakapit sa'kin. May katangkaran yung lalaki. "Wala akong pakialam sayo. Pat halika na---" hindi pa natapos ni Sam yung sasabihin niya nung suntukin siya nung lalaki. What the? "What the f**k?! Sino ka ba ha? Bakit mo siya sinapak?" malakas na sabi ko. Inis na inis ako doon sa lalaki. "Umalis ka na! Hindi kita kilala!" sabi ko. Umalis na yung grupo ng mga lalaki. Saka dali dali kong pinuntahan si Sam na nakaupo sa Bar counter. "A-ayos ka lang ba?" nakita ko ang pasa sa kanang pisngi niya. "Halika, doon tayo sa bahay ko. Gagamutin ko sugat mo." sabi ko saka siya hinila palabas ng Bar. Paglabas ng bar, kumalas siya sa pagkakahawak ko. "Uuwi nalang ako" sabi niya saka lumakad palayo sa'kin. Sinundan ko siya, nang maabot ko siya ay agad kong hinawakan ang kamay niya na hindi ko inaasahan. "S-sam. Come on, gagamutin ko yung sugat mo. Kasalanan ko naman kung bakit ka may sugat e." sabi ko. Sinubukan kong hawakan yung parte na may sugat ngunit iniwas niya ito dahil masakit daw. Hindi na din siya nakatanggi kaya sumama na din siya sa'kin sa condo ko. Pagdating namin doon ay una kong hinanap ang first aid kit ko, nagtungo ako sa kwarto ko saka hinanap ito. "Hay." napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay Sam sa ginawa kong kabalbalan. Dinala ko agad ang first aid ko kay Sam. Naupo ako sa harapan niya para gamutin ang mga sugat niya. Nilapit ko ng konti yung mukha ko sa mukha niya para makita ko yung sugat. Medyo maliit kasi ito at dahil sa nakainom ako, medyo lutang na yung paningin ko kaya kinakailangan kong lumapit. Medyo naiilang na nga si Sam sa lapit ng mukha ko sa kanya. Pero syempre ako kailangan kong mag relax sa harap niya para di ko maidiin yung cotton bud na hawak ko. Ilang minuto din kaming tahimik at bawat paghinga nalang ang naririnig ko sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa nagsalita siya, "Patrice?" "Hmm?" nagfofocus kasi ako sa pag gamot ng sugat niya sa bandang pisngi na malapit na din sa labi. Medyo namaga pa nga ang cheekbone niya. Hay. Nakokonsensya na tuloy ako. "S-salamat." matapos niyang sabihin iyon ay aktong titingin na sana ako sa kanya ngunit umiwas na agad siya ng tingin. "Wala yun. Kasalanan ko naman." sabi ko sa kanya. Which is... Totoo. ______________________________________________________________________________ SAMANTHA LOPEZ Gabi na ng makauwi ako. Nagpasya kasi akong mamasyal magisa at magstroll, wala naman kasi akong masyadong kaibigan kaya wala din akong maaya. Sa kabilang banda, nananakaw ni Pat ang isip ko. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko man lang siya maitaboy sa isipan ko gayung di naman kami madalas magkita? Ang weird ng pakiramdam ko. Ano bang problema ko? Iwaksi mo na si Pat sa isip mo! Pag kauwi ko ng bahay ko ay agad akong nagpalit ng damit pantulog, nag tootbrush, naghilamos, at uminom ng gatas. (Fresh milk) Matapos kong magawa lahat ng iyon ay agad ko naman napagpasyahang mahiga na sa kama. It's already 9:34pm ng gabi kaya sakto na makakatulog ako ng maayos dahil may trabaho pa ako kinabukasan. Ilang oras na ang lumipas pero hindi talaga ako makatulog. Magpagulong gulong na nga ako sa kama ko pero walang epekto. Napaupo ako saka hinampas hampas ang ulo ko. Ano ba nangyayari sayo? Hindi na ako mapakali, 10:00pm na ng gabi ng icheck ko ang orasan ko sa phone. Parang may bumabagabag sa'kin bukod sa iniisip ko pa ang babaeng iyon. Parang nagaalala ako. Naalala kong may number pala ako kay Pat. Nang ibigay niya iyon sa'kin dahil in case daw na may mangyari sa'kin sa condo unit niya ay maaarimko daw siyang tawagan. Inaalala niya ang condo niya hindi ako. Napaka talaga ng babaeng iyon. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagpasyang tawagan siya. Ring lang ng ring ang cellphone nito. Parang wala siyang balak sumagot. Mas nag aalala ako. Dahil kapag tumatawag naman ako sa kanya ay agad agaran niya itong sasagutin. Napabihis tuloy ako ng di oras at nagpasyang puntahan siya. Narito na ako sa harap ng pinto ng condo unit niya, nagdadalawang isip ako kung kakatukin ko siya o Hindi. Walang mangyayari sayo kung Hindi ka maglalakas loob na katukin siya. Sinayang mo lang ang effort mo at pamasahe. Kinatok ko na ang pinto ngunit parang walang katao tao dito. Nasaan kaya ang babaeng hitad na iyon? Naalala ko na may kalapit na bar dito sa condo niya, baka soon siya nagpunta. Ilang minuto bago ako nakarating sa Bar at sa wakas, nakita ko nga siya. Inoobserbahan ko siya mula sa kinauupuan into na tila problemado at balisa. Lutang kumbaga. Madaming lumalapit sa kanya, mapababae o lalaki ngunit ni is a rito at wala siyang pinansin. Nakita ko pa syang napasigaw at napatayo, dahilan para pagtinginan siya ng mga tao. Ano na ang problems niya at nagiinom pa ng ganitong oras? Di niya na alam na delikado na ng ganitong oras sa pag uwi? Malamang sa malang kung hindi ko siya pinuntahan ay siguradong mapupuruhan siya. Lumapit ako sa kanya na akmang ikinagulat niya. Umupo ako sa katabing upuan niya. Pinagmamasdan siya habang siya ay tinitignan ang basong may laman ng alak na hawak niya. Napatitig siya sa'kin at ganoon din ako. Nag tama ang mga mata namin. Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya ngunit unti unti siyang lumalayo sa'kin. "Patrice, sabihin mo sa'kin. Bakit ka lumalayo?" "L-lumayo ka sa'kin Sam." may halong kaba ang tono ng pagkakasabi niyang iyon. "Why are you here?" bahagyang tanong niya sa gitna ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Hinahanap kasi kita." pag amin ko. Gusto kong malaman kung bakit hindi ko siya matangal sa utak ko. "Ano? Hinahanap mo ko for?" takang tanong nito. "Hinahanap ko yung kasagutan sa utak ko, gusto kong itanong sayo, kung bakit ako nagkakaganito sayo" sagot ko. Ngunit parang nainis pa siya sa sinabi kong iyon. "Why me? Why don't you figure it out yourself?" inis na sabi nito saka iinumin ang alak na kanina niya pa hawak mula sa baso ngunit pinigilan ko siya. "Stop it, Pat umuwi na tayo" pigil ko. Baka masobrahan pa siya ng alak. Bitawan mo ko." maotoridad na sabi niya. Pero hindi ko siya pinakinggan. "Ayoko, iuuwi na kita sa Condo unit mo." "No way! Kaya ko na---" pagmamaktol nito. Naputol ang sasabihin niya ng biglang may sumingit na grupo ng mga lalaki. Nagsalita ang mukhang gonggong na lalaki. Halatang may pagkamayabang siya. "May problema ba dito? Miss, bitawan mo na siya pwede?" sabi nung lalaki. "Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nagsalita. "Kilala ka ba niya? Para pagbawalan akong hawakan siya? Boyfriend ka ba niya?" sabi ko na may halong selos. Ewan ko pero parang pakiramdam ko ay nagseselos ako kahit di ko naman dapat maramdaman ang ganito. "Ang yabang mo naman. Sino ka ba? Bitawan mo na siya." maotoridad ang sabi at aktong hinawakan ako sa kamay ko. "Wala akong pakialam sayo. Pat halika na---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hilain ako paharap nung lalaki saka sinapak sa mukha. Napatumba ako noong mga oras na iyon. Narinig ko na lang na nagalit si Patrice doon sa mga lalaki, naupo ako sa may bar counter saka nag pahupa ng inis. Hindi kasi ako pumapatol sa mga ganoong klase ng tao dahil hindi ko naman sila kalevel. Kahit gaano ka pa kayaman, kung ang ugali mo bulok wala din. "A-ayos ka lang ba?" mahinaon na tanong niya. Hindi ako umimik sa sinabi niya. "Halika doon tayo sa bahay ko, gagamutin ko mga sugat mo." Nang makalabas kami ng bar ay aktong binitawan ko siya. "Uuwi nalang ako." saka dali daling umalis sa harapan niya. Ngunit bigo ako dahil sa sinundan niya ako at aksidenteng nahawakan ang kamay ko na nagbigay ng kiliti sa'kin. "S-sam. Come on, gagamutin ko yung sugat mo. Kasalanan ko naman kung bakit ka may sugat e" hindi nalang ako nakatanggi dahil hinila na niya ako pauwi sa condo niya. Heto na naman ang puso ko, hindi magkandamayaw sa kaba. Paano malapit na mukha ni Patrice sa'kin dahil hindi daw niya makita ang mga sugat ko. Lalo pa at nakainom daw siya. Napatikhim ako saka nagsalita dahil hindi ko na matiis ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Patrice?" "Hmm?" bilang tugon sa tawag ko sa kanya. Nakafocus kasi sya sa pag gamot ng mga sugat ko. "S-salamat." nakatitig ako sa kanya, nang aktong titingin na siya sa'kin ay agad ko namang iniwas ang mga tingim ko sa kanya sa ka siya nagsalita. "Wala yun, kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasugat e." sabi niya at nagpatuloy na sa ginagawa. Habang tinititigan ko siya ay naibulong ko sa hangin na. May gusto na ata ako sayo, Patrice Flores Villafuerte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD