Alexa's P.O.V. I can't believe I pulled it off. Nakatingin ako ngayon sa results ng finals ko. I can say na nakabawi talaga ako sa mga nahuli kong subjects. All thanks to Drey. Si Drey. Nalukot ko ang hawak na papel. Ilang beses ko na din syang iniwasan. Ni hindi ako nakapagpasalamat sa tulong nya. Naipikit ko ang mga mata sa naiisip. Natatakot kasi ako... na baka makita kami no Zic na magkasama. Pag nangyari yun, baka malaki ang chance na di na talaga kami magkabalikan. "Alexa Peterson." Napatayo ako nang wala sa oras matapos tawagin ang pangalan ko. "Ma'am!" Nagtawanan ang klase. Mukhang kasi akong tanga. Napaghalata tuloy na hindi ako nakikinig. "Take your seat, Ms Alexa." Naupo din ako agad sabay tawa ulit ng klase. "At dahil hindi ka naman nakikinig uulitin ko nalang. Next mon

