Dinig niya mula sa banyo ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower. Ang aroma ng body wash na kilalang-kilala niya. Dahan-dahan niyang ibinukas ang kanyang mga mata. Tanaw mula sa kisame ang ganda ng chandelier na nakasabit dito. Kilala niya ang kwartong ito. Kwarto ng lalaking pinakamamahal niya. Narinig niya ang pag-click ng pinto kaya naman nagkunwari siyang natutulog pa rin. Iniluwal ng pinto ng banyo ang isang adonis na animo'y perpekto ang pagkakahubog. Nakatapis lamang ng tuwalya ang bandang ibaba nito at kitang-kita ang guhit na bakas ng abs nito na naghahati sa pang ibaba nito. Ang manipis na balahibo sa dibdib nito na nakadaragdag nang dating. Lumingon ang lalaki sa dako ng dalagang naroroon nakahiga sa kanyang kama. "Mabuti't mahimbing ang tulog niya. Nakapagpahinga nang ma

