"O, Kuya. May bago ka na namang chix?" bulong ni Martin kay Macoy nang pumasok ito sa kitchen ng ancestral house ng mga Alfonso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa ‘yo." sambit nito habang nagsasalin ng juice sa kanyang favorite glass. Hindi niya napansin na sinundan pala siya ni Yvette. "K-kanina ka pa ba diyan?" nauutal na sambit ni Macoy. Hindi niya alam kung bakit nauutal siya. Wala naman siyang masamang ginawa. Never siyang nang two time. Ang nagawa niya lang ay dalhin ang mga nagiging girlfriend niya sa bahay nila at ipakilala. Hindi rin siya nakaranas na kabahan maliban sa unang beses na ipinakilala siya sa mga investors ng company nila ng daddy niya. Same feeling tulad ng nararamdaman niya ngayon. "Ah… eh… ngayon lang naman." pagsisinungaling niya. Narinig niya

