Halos mahigit anim na oras din ang byahe nila bago nakarating sa baguio dahil sa pahinto-hinto nilang byahe. Kung bakit ba naman kasi inom nang inom ng juice itong si Pam. Kaya panay-panay rin ang hinto nila para mag-toilet. Kaya pala dalawang maleta ang dalang gamit nito dahil puno ito ng bottled juice. Gano’n pa man ay hindi rin naman sila nagmamadali dahil ang tutuluyan nilang accommodation ay bahay ni Ride. Ipinamana ito ng parents ni Ride sa kanya though buhay pa naman ang parents nito. Hindi lang din once na nakarating si Denesse dito noon. Maraming beses na. Lalo na kapag nabo-bored si Ride sa manila at gustong mag-unwind. Ang inaalala niya lang ngayon ay ang tutuluyan ni Marco at Pamela. Sa pagkakatanda niya ay tatlo lang ang kwarto ng bahay nila Ride sa baguio. Isa para sa paren

