"Good morning, everyone!" malanding bungad ni Pam sa mga taong kumakain sa hapag kainan habang inililibot ang kanyang mga mata. Tila may nais masilayan sa malamig na umaga na dala ng hangin na naggagaling sa bukas na bintana sa kusina. Sabay namang nagkatinginan sa isa't isa ang mga kumakain. "And where the hell is Marco?" dismayadong sambit ni Pam nang hindi man lang nahagip ng kanyang paningin ang gwapong binata na matagal na niyang nais maging kasintahan. "Ah... E... ---" tugon ni Ride na hindi malaman kung paano ipaliliwanang kay Pam na umuwi nang wala sa oras si Marco. Tumikhim naman si Denesse para siya na ang sumagot dito. "He got an emergency and went back home this early morning." Sabi Denesse. Agad na nalukot ang mukha ng linta na tila nilamukos na papel. "And what's that eme

