Chapter 4 - Emergency

1574 Words
Lumipas ang ilang linggo na naging busy si Marco. Hindi sumagi sa isipan niya si Yvette. Marami siyang trabahong tinapos. Ngayon ay katatapos lang niya sa meeting with the board members. And as always pagkakatapos niya sa meeting ay lagi siyang dumadaan sa tea shop at umo-order ng paborito niyang taro with red bean. Hindi niya alam kung ano ang special sa taro with red bean pero sa tuwing iinumin niya ito ay nawawala ang stress at pagod niya. Pagkatapos niyang umorder ng favorite drink niya ay naupo siya sa gilid sa tabi ng glass wall. Maganda ang ambiance dito sa shop na 'to kaya naman favorite na din niya ito. Mayamaya pa ay lumapit na ang crew ng TsaaTeaMe Shop. Hindi ito self service shop kaya naman, the crew can take care of the customers. "Sir Arco, here' s your taro drink with red beans." sabay lapag ng drinks sa circular table na may isang red rose sa gitna. "Thank you!" isang matamis na ngiti ang ipinukol niya rito. At hindi pa nakuntento ay kinindatan pa niya ang babaeng crew na tila nanlambot ang tuhod at namula. "Enjoy your drinks, Sir!" sabi pa nito at sinuklian din nito nang ngiti ang customer. Madalas siya sa TsaaTeaMe Shop sa kahit saang branch kaya kilala na siya rito. Pero never nila nalaman ang real name niya though ang Arco ay tinanggalan lang ng letter M sa Marco pero mas mabuti nang ‘di siya kilala sa real name. Mahirap nang habulin siya ng mga babae. Habang ine-enjoy ang drinks niya ay may isang familiar na mukha siyang naaninag sa kanyang peripheral vision. Agad siyang lumingon upang tiyakin ang hinala. Eksakto namang may isang crew na naghatid ng order sa kabilang table. Agad niya itong tinawag at may iniabot dito. Agad namang tumalima ito at nagtungo sa cashier para ibigay ang ipinaaabot niya. Matapos umorder ang babae ay kunot-noong lumingon ito sa kanya. Eksakto namang nakatingin siya. Nag-wave siya rito at agad namang lumapit ito sa kanya. "Excuse me, Mister? Magkakilala ba tayo?!" tanong ni Yvette. Agad namang nainsulto si Marco. Sa haba nang usapan nila sa plane at sa kabila ng pagkindat niya rito ay tila kinalimutan nito ang gwapo niyang mukha. "Marco. Marco Alfonso." sabay angat ng kamay para makipag-shake hands dito pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi man lang ito inabot ng babae kaya sa pagkapahiya ay ibinaba na niya ito. Pansin naman sa mukha ng babae na hindi talaga niya ito natatandaan. Kaya si Marco na ang nagpaalala. "I'm your passenger, remember? The wine, the cart, the suit..." pilit na ipinapaalala niya sa babae. Pero tila ba kinalimutan na nito ang lahat. "I'm sorry, I think you’re mistaken." sabi nito. "But thanks for the drinks." sabi pa nito muli sabay talikod. Kinuha nito ang take-out niya at saka lumabas sa shop at sumakay sa kotse niya. Naiiling na lang si Marco. Mukhang mailap ang isang iyon at tila pinapahirapan siya. "Sa susunod na magkita tayo, I will make sure na maaalala mo na ‘ko." bulong niya sa sarili at in-enjoy ang taro drinks niya. Samantala sa sasakyan naman ni Yvette ay napapailing na lang siya habang nagda-drive at iniinom ang kanyang grass jelly roasted milk tea with black pearl na in-order niya sa TsaaTeaMe shop. "The hell I care kung sinong Marco Alfonso ka. So what? Hindi kita maalala. Wine, cart, suit?!" pag-uulit niya sa sinabi ni Marco. Tila pre-occupied pa rin siya no’ng emergency niya kaya ‘di niya maalala ang mga ‘yon pero makaisang ulit pa niyang sambit sa mga salitang iyon ay tila natulala siya at agad na iginilid ang sasakyan. "Shoot! Wine, cart and suit? Oh my gosh." Dali-dali siyang nag u-turn at bumalik sa shop pero pagpasok niya dito ay wala na ang lalaki. Muli niyang naalala ang mukha nito. Ibang-iba kasi ang hitsura nito nang makita niya ito sa plane noon. Makinis ang mukha nito na tila ahit na ahit pero ngayon ay may balbas na manipis na at bigoteng wari mo ay katutubo pa lamang. Pero bagay naman dito. Nakadaragdag ng appeal. May kung anong kiliti siyang naramdaman sa isiping iyon pero napawi rin bigla. Naglakad siya papunta sa kotse niya. Sa hindi kalayuan ay may naaninag siya bintana ng kotse niya. Nang makalapit ay nanlaki ang mga mata niya. "Hi! Ako ba ang hinahanap mo?" tanong nito sabay sandal sa kotse ni Yvette habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nakangisi pa ito na tila ba tagumpay ang pagpapa-charming niya rito para makipaglaro sa supladang empleyado nila. "Huh? Bakit naman kita hahanapin? Sino ka ba?" maang-maangan niya. "Kasi ako si Marco Alfonso." ngisi niya habang nakikipagtitigan dito. Tila napapaso siya sa mga titig ng lalaking ito. Hindi pa niya naranasan ang makipagtitigan ng ganito pero tila mina-magnet siya ng mga mata nito. "Baka matunaw ako niyan." biro pa nito na sadyang inaakit ang babae. Binasa pa nito ang kanyang labi. Hindi siya papayag na may isang babaeng never naakit sa kanya. "Excuse me? Ako ba ang tinutukoy mo? I'm not interested. I'm taken and I don't flirt." sabi niya. Bigla naman siyang nadiri at napaisip kung bakit niya nasabi yun baka mamaya ay iba ang ibig sabihin ng lalaking kaharap niya. "You don't have to pretend that you're not attracted to me. It's okay. I'm used to it. As far as my research says, you're single and available." sabi pa nito. Handa siyang makipaglaro sa babaeng ito kung iyon ang nais nito. Gusto niyang makita kung gaano ang itatagal nito sa kanya. "Wow! At nag-effort ka pa. Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo. Anyway, if you'll excuse me I have to go." tangkang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan siya ni Marco at ilapit nito ang kanyang mukha sa babae. One inch na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya na halos parang maghahalikan na sila. Langhap na langhap ng isa't isa ang mabangong hininga nila. Halos nag-uunahan ang pagtibok ng puso ni Yvette habang naghihintay sa mangyayari. "Hindi pa tayo tapos mag-usap. Can we talk?" tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Yvette dahil sa bulong nito na ang hiningang lumabas sa bibig nito ay kumiliti sa kanyang tainga. Parang nanghina siya pero bumalik naman kaagad siya sa ulirat. Mabuti na lang at hindi siya pumikit. "Nag-uusap na tayo. And sorry, I have an emergency." agad niyang binuksan ang pinto pero makulit ang lalaki. Agad din itong sumakay sa car niya. "What are you doing?" tanong ni Yvette. "Sasama sayo. Hindi pa tayo tapos mag-usap. And it seems like you have lots of emergencies." inis na napatitig dito si Yvette. "Anong pag-uusapan natin. Naisoli na ang suit mo ‘di ba. I asked my crew to return it to you. Didn't she return it?" tanong niya. Nang marinig ito ni Marco ay agad niyang inilapit sa babaeng kausap ang kanyang mukha habang naka-bent ang katawan malapit dito. “Akala ko ba hindi mo kilala kung sino ako?” nakangising saad ni Marco. Now your memory is working. Sabi pa nito sa isip niya. Nagitla naman si Yvette sa ginawa nito at tila naestatwa sa lapit ng pagmumukha nito sa kanya. “N-naalala n-na k-kita. Ikaw ‘yong mayabang na pasahero. At isinauli na naming ang suit mo kaya wala nang reason para mag-usap pa tayo.” nagtataka naman si Marco kung bakit gano’n ang isinagot ng babae. Pakiramdam niya talaga ay wala itong alam sa pagkatao niya. "She did.” Sabi agad ni Marco. Though hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na mayabang siya pero hinayaan na lang niya ito. “Pero you promised me na ikaw ang magsasauli nito.  But you asked someone to do it." wala namang maisip si Yvette na dahilan pero parang may pagtatampo ang tono ng lalaking kausap. Hindi rin naman malaman ni Yvette kung ano ang isasagot dito. Talagang may emergency lang siya. Dahil sa abnormal niyang kaibigan na ini-set up siya nang blind date at hindi na siya makaurong. And yes, that emergency was a blind date. "Hindi ka makasagot dahil wala naman talagang emergency tulad ngayon." nakangising sabi nito. "And why do you care? May emergency talaga ‘ko. And you don't need to know the details about it. Tapos na ang transaction natin." sagot niya naman dito. Bakit naman niya sasabihin dito na ang emergency niya at isa pa nakakahiya dahil isang blind date lang naman ‘yon. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya. "Ganyan ba talaga ang treatment mo sa mga pasahero niyo? You don't comply with your promises. And that's why I care." sabi niya habang tinatantiya ang babae kung galit na ba ito. "Ano ba’ng gusto mo?" tanong niya pero pinagsisisihan niyang itanong ito dahil baka hindi niya kayanin ang gusto nito. "Will you..." putol nito sa sasabihin habang seryosong nakatingin sa kanya. "Is he crazy? For real magpo-propose siya? Kakikilala pa lang namin at hindi naman siya nanliligaw." Halo-halo at naguguluhang tanong sa utak niya. "Will you be my official secretary?" tila disappointed siya sa narinig pero bakit naman? Hindi naman niya gusto ang lalaking ito. And second encounter pa lang nila. "Don't tell me na inisip mong magpo-propose ako sa ‘yo? Never pa akong nag-propose sa babae." Umarko ang kilay niya nang mabasa nito ang iniisip niya. Para hindi mapahiya ay sumagot na lang siya. "As if naman na gusto kita. Pag-iisipan ko ang proposal mo. If you'll excuse me I have an emergency kaya pwede bang bumaba ka na?" ramdam niyang nag-init ang pisngi niya at alam niya namula siya habang sinasabi ito pero no choice kung hindi ay huwag magpahalata. Bago ito bumaba ay inabutan siya nitong muli ng business card na hindi man lang niya tinitingnan ang hitsura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD