CHAPTER 3

870 Words
Jupiter's POV: "Bye, sweetheart. Magkita na lang ulit tayo mamaya. I will pick you up mamayang awasan," paalam ko kay Isha. "Aysus, parang hindi naman ako nagtatrabaho sa kumpanya mo! Lakas na, mamaya na lang ulit. I will call you later. Call me also ha!" bilin ni Isha at ginawaran ako ng halik sa labi. Nagpaalam na ako at umalis. Lumabas ako ng airlines at dumiretso sa parking lot. Sa akin na napunta ang ownership ng kumpanya, inilipat na sa akin ni Tito Johnson habang ang medical company ni dad ay napunta sa anak niyang si Kuya Trey. Nagpalit ng kumpanya ang mga magulang namin para makuha namin ang kumpanyang naaayon sa kinuha naming kurso. Isang doktor si Kuya Trey habang ako naman ay nag-aral ng aeronautical engineering. Isa na rin akong ganap na piloto. Pumasok ako sa kotse kong Rolls-Royce. Agad ko naman itong pinaandar. Pinapatawag ako ni Tita Stella sa Tellason dahil may urgent daw siyang kailangang sabihin. Napaisip naman ako kung ano iyon, mamaya ko na lamang aalamin. Baka may ipapasuyo sa akin. Nang makarating ako sa tapat ng Tellason ay bumaba ako ng sasakyan. Inihagis ko naman sa valet ang susi ng kotse ko para siya na ang bahala na magpark doon. Agad akong sumakay sa private elevator papunta sa opisina ni Tita Stella. Bago pa ako makapasok sa elevator kanina ay napakaraming bulungan ang narinig ko patungkol sa relasyon namin ni Isha. "Sayang may girlfriend na si Sir Jupiter, sayang naman." "Balita ko ang girlfriend niya ay iyong part-time model dati ng Tellason, bago pa lang siya nung nawala pero hindi ko na nakikita." "Naku, balita ko eh masama raw ang ugali no'n. Baka naman tinanggal ni Ma'am CEO. Nabalita iyon sa dating airlines kung saan siya kumuha ng internship. Masyado raw bastos at magaspang magsalita. Sayang, maganda pa man din at flight attendant pa." Nang maalala ko ang mga sinabi nilang iyon ay hindi ko mapigilang mapatiim bagang na lamang. Hindi ako pumapatol sa mga ganiyan pero isa pang marinig kong bukambibig nila na pinagsalitaan si Isha, sisisantehin ko sila. Ako mismo ang magsasabi kay Tita Stella. They are rude employees after all, they deserved na mapatalsik. Nang makarating ako sa opisina ni Tita Stella ay kumatok muna ako bago pumasok. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at nginitian ako. "Hi tita, it is good to see you again. Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko. "Have a seat first, Jupiter. What do you want? Water, coffee, or juice?" tanong ni Tita Stella bago naglakad papunta sa pantry. "Anything will do po," sagot ko. Pagbalik niya ay may dalawa siyang baso ng iced tea na dala. Nagpasalamat naman ako. Kapag nandito ako, o kaya kahit sino sa amin na pamangkin ni tita ay siya mismo ang naggagawa sa amin ng inumin. Namimiss niya raw kasi kaming alagaan. Ang lalaki na raw naming lahat. "So, ang sasabihin ko ay ang tungkol sa girlfriend mo. Hindi ko tinotolerate ang ganiyang behavior, Jupiter. You know that hindi ko iyon palalampasin. Also, pag-isipan mo ng mabuti ang panliligaw kay Isha. Hindi naman dahil magkababata kayo ay she will stay the same. She have attitude problems, very bad attitude problems," sabi ni Tita Stella. Napabuntong hininga naman ako. Alam kong makakarating din ito sa kaniya, hindi ko lang alam na ganoon kabilis. Isha needs to apologize. Baka sakaling tanggapin ulit siya ni Tita Stella. "Tita, baka pwede niyo po ulit iconsider. Mabait naman po si Isha, may problema lang minsan. She is a good model tita-" "I'm sorry Jupiter, I can't tolerate that. Gusto nga rin siyang kasuhan ng isang modelo for assault pero kinausap ko na huwag ituloy. I can't let this happen again, Jupiter. Gusto ko rin humingi ng paumanhin si Isha sa supermodel kong si Solene Del Mundo who she assaulted. She is a professional model, kakalat at magiging eskandalo kapag lumabas iyon," seryosong sabi ni Tita Stella. Napabuntong hininga naman ako, wala na akong magagawa tungkol pa roon. Ang kailangan ko na lang ay kumbinsihin si Isha na manghingi ng apology roon sa modelo. Hindi ko rin alam kung papayag iyon dahil mataas ang pride niya minsan. "I understand tita, sorry for the trouble. Sasabihin ko rin po si Isha. I have to go na po, may mga aasikasuhin pa ako," paalam ko at tumayo na. "I'm telling you, Jupiter. Kung girlfriend mo na si Isha, think twice. If you wanna marry her, think ten times. Hindi naman sa ayaw namin sa babaeng gusto mo, hindi lang maayos ang pananalita at dila niya. Tell her to fix her attitude. Walang sinasanto ang industriyang ito at kung hindi siya magbabago, walang tatanggap sa kaniya," sabi ni Tita Stella at iminuwestra ang kamay niyang lumabas na ako. Tinanguhan ko lang siya bago ako lumabas. Iginagalang ko si Tita Stella, alam kong mahal niya ako at gustong gabayan kaya sinasabi niya iyon. Ganoon din naman si mom minsan, pero ako pa rin naman ang bahala. Buhay ko naman daw ito, they will support me whatever my decision is. Napatingin naman ako sa aking relo. Oras na para tumawag si Isha pero wala akong narereceive na calls. Bakit kaya hindi siya tumatawag o nagtetext? Baka naman abala lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD