Kasi gusto kong patunayan sa tatay mo na hindi na ako katulad ng dati. Na nagbago na ako para sa babaeng mahal ko. Para sa 'yo. Paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Van kanina. Hindi ako makatulog dahil ang daming tanong sa aking isipan. Ano ang ibig niyang sabihin doon sa hindi ko pa alam ang lahat? At bakit hindi niya kasama si Yna at ang anak nila? Pinagsisihan kong hindi ko iyon naitanong lahat sa kanya kanina. "Chastine?" napalingon ako sa pinto nang sumilip si Mommy. "Bakit po?" tanong ko at bumangon. Pumasok siya sa kwarto at lumapit sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na," aniya. "Ma, p'wede ba tayo mag usap?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa aking tabi at hinawakan ang kamay ko, "Tungkol saan, anak?" "Tungkol po kay Van," sagot ko. Umiwas siya ng ti

