"Ano na ba ang plano mo?" tanong sa akin ni Samantha, "Uy, Chastine! Ano, tulala ka na? Nahalikan lang ni Van, ganyan na?" dagdag niya pa saka ako tinapik. Napabuntong hininga naman ako. Nakakahiya kasi. Nakita kami ni Samantha kanina na naghahalikan. Hindi ko kasi napigilan ang sarili na tumugon sa mga halik ni Van. "Pipirmahan ko 'yong annulment papers. Makikipag hiwalay ako sa kanya," sagot ko kay Samantha. Kumunot ang noo ko nang tumawa siya. "Makikipag hiwalay? Nagpapatawa ka ba, Cha? Pagkatapos niyo mag halikan kanina, sasabihin mo sa 'kin na makikipag hiwalay ka? Huwag ako, uy!" "Sam, iyon ang dapat kong gawin. Nadala lang naman ako kanina kaya nangyari 'yon. Kailangan ko na tapusin kung ano man ang namamagitan sa amin ni Van. Kailangan siya ni Yna at ng magiging anak nila," sab

